CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Apat na mga taga-Puerto Princesa City ang nakapasa sa katatapos i-release na bar examination noong March 26, 2015.

Tatlo ay produkto ng  Palawan State University –College of Law na sina Odessa Buena Arzaga, Elisa Pua at Emilia Concepcion Severino. Ang pang-apat ay si Kristine Grace Apellido ng Barangay Maunlad.

Si Ms. Apellido ay nag-aral mula elementarya hanggang sekondarya sa Holy Trinity University. Nagtapos ng Bachelor of Arts in Legal Management cum laude sa University of Santo Tomas noong 2010 at nagtapos sa Ateneo de Manila University –School of Law ng kursong Juris Doctor noong April 27, 2014.

Lubhang mahirap ang nasabing eksaminasyon sa kadahilanang sa limang libo siyamnaraan walumpu’t-apat (5,984) na mga nagpa-eksamin isang libo isandaan dalawampu’t-anim (1,126) lamang ang nakapasa.

Ang examinasyon ay ginanap sa UST ay loob ng 4 na linggo ng Oktubre 2014 (5, 12, 19 at 26, 2014.

Si Irene Mae Alcobilla ng San Beda College ang  bar topnotcher, pumangalawa sa kanya si Christian Drilon ng Ateneo.

Ang oath taking ng  bar passers ay nakatakdang ganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa April 24, 2015.

Article Type: 
Categories: