Printer-friendly version

25 miyembro ng Babuyan Seaweed Planters Association ang tumanggap ng sertipiko ng mga gantimpalang kagamitan mula sa Grassroot Participatory Budgeting-Bottoms up Budgeting (GPB-BUB) Seaweeds Farming Project nitong ika-16 ng Hulyo.

 

Ito ay proyekto ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) MIMAROPA kaagapay ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

Ang mga libreng materyales at kagamitang ipinagkaloob ng proyekto ang mga sumusunod: 25 pirasong bangkang de sagwan na may 15 talampakang haba; 5,000 kilo binhi ng seaweed; 50 rolyo ng plastic ties; 75 rolyo ng P.E. rope no. 8; 25 rolyo ng P.E. rope no. 14 at 5,000 pirasong plastic floaters.

 

Ayon kay Aquaculturist II Delia B. Martinez ng City Agriculture Office, mahigit 60 ang miyembro ng asosasyon ngunit 25 lamang ang napili na nangangailangan ng bangkang de sagwan dahil ang ibang miyembro ay mayroong sariling bangka.

 

 Malaki ang maitutulong ng mga ipinagkaloob na materyales sa pagtubo ng seaweeds. Araw-araw ay dapat linisin at pagpagin ang mga damong-dagat upang matanggal ang epiphytes na tumutubo sa mga ito. Kapag marami ang epiphytes tulad ng lumot sa mga damong-dagat, nahaharangan nito ang sinag ng araw at sustansiya. Maaring mauwi ito sa pagkalusaw, pagkasira o kamatayan ng damong-dagat, dagdag pa nito.

 

Mayroon ding mga kababaihang nagtatanim ng damong-dagat kaya’t angkop sa kanila ang bangkang de sagwan upang puntahan at linisin ang kanilang seaweed farm. Sa paraang ito ay mapananatili ang pagdami at kalinisan ng mga damong-dagat.

 

Ang 25 miyembro na tumanggap ng kagamitan mula sa Seaweeds Farming Project ay sina Conchita B. Bacalso, Jose V. Bungalso, Henry B. Palgan, Jay B. Bacalso, Ricky B. Bacalso, Wilbert B. Eleazar, Mario C. Desierto, Demetrio M. Decierto, Efren L. Tigranes, Sonny C. Pacot, Manuelito S. Rojo, Terry C. Condesa, Wenmark R. Egaran, Ester O. Buscaya, Nelson B. Andales, Manuelito M. Rojo Jr., Phoebe E. Zita, Kim John B. Palgan, Roselo F. Abel, Ryan E. Zita, Regel E. Zeta, Emelyn B. Bacalso, Flora B. Timbancaya, Sanito C. Bungalso at Deogildo M. Danao.

 

Article Type: 
Categories: