Articles Archives

Other Articles

  • “Kindness, yon ang malasakit para sa akin, kung may pagkakataong makapagbigay ng malasakit sa kliyente, gawin natin, wag na tayong mag-contribute sa problema sa ating opisina” ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagbubukas ng ika-117th taong pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil sa lungsod nitong Setyembre a-uno sa Puerto Princesa City Coliseum.

  • Sampu sa labindalawang tituladong lote ang naibenta ng Pamahalaang Lungsod sa pampublikong Auction Sale na isinagawa sa Atrium ng bagong pampahalaang gusali ng Puerto Princesa noong Hulyo 28, 2017.  Kinabibilangan ito ng mga lupain sa barangay Bacungan, Bancao-Bancao, San Jose, San Miguel, Sta. Loudes, Sicsican at San Manuel.  

  • “Maganda at mapagpalang umaga! Pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa”  ang naging pagbati ni Mayor Lucilo R. Bayron sa mga mamayan ng lungsod sa naging matagumpay na kauna-unahan at  makasaysayang Balayong tree planting festival na ginanap noong Sabado, Hulyo 29,2017 sa Ramon V. Mitra Sports Complex.
  • Hinikayat ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron ang mga kawani ng gobyerno na makiisa sa gaganaping Balayong Tree Planting Festival sa Balayong Park sa darating na Hulyo 29, alas-sais ng umaga.

     

  • Magiging panauhing tagapagsalita si Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron sa pagbubukas ng Palawan Rugby Festival sa darating na ika 22-23 ng Hulyo sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

     

  • “Maganda na magkasama tayo sa trabaho para sa ating lungsod,” ito ang tinuran ni Mayor Lucilo R. Bayron sa naging pag-uusap nila ni Atty. Rocky Austria ng hikayatin ng una na maging kasama nito sa pagpapatupad ng programang pang sports ng Pamahalaang Lungsod.

     

  • Magkakaroon muli ng Public Auction Sale Of Delinquent Real Properties ang tanggapan ng Ingat Yaman o City Treasurer’s Office nitong buwan ng Hulyo. Ito ay isang paraan ng gobyernong paalalahanan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga hindi nakakapagbayad ng buwis ng mga ari-ariang di natitinag o real properties ng matagal nang panahon o lumampas na sa itinakdang palugit ng pamahalaan.

  • Positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang baybayin ng Puerto Princesa batay sa inilabas na Shellfish Advisory no. 23 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon Hulyo 3.  Umabot sa 80 µgSTXeq/100g ng shellfish meat ang toxic level na nakolekta sa baybayin ng Puerto Princesa kung saan ang regulatory limit lamang nito ay 60 µgSTXeq/100g ng shellfish meat.

     

  • Tinanghal na Gold Best in Evening Gown si Ms Puerto Princesa 2015 Sandrine Stoelzaed, sa evening gown competition ng Ms Philippines - Earth 2017 noong gabi ng July 1, 2017 sa City Coliseum, Lungsod ng Puerto Princesa.

    Si Catherine Tabaniag ng Panglao, Bohol ang Silver Best in Evening Gown at Bronze Best in Evening Gown ang representative ng New Zealand na si Jessica Rose Mc Ewen. 

  • Iginawad ni Mayor Lucilo R. Bayron ang isang Sertipiko ng Rehistrasyon sa SITEL PHILIPPINES CORPORATION noong Hunyo 28, 2017, sa inagurasyon ng establisimento. Ang sertipiko ay tinanggap  ni Craig  Reines, Chief  Operation Manager ng kompanya. Nagsasaad ito ang 100% exemption sa pagbayad ng business tax para sa taong 2017 at 2018, 75% sa 2019 at 50% sa 2020. 

     

Pages

1 2 3 4 5 6 7 8 9 next › last »

Navigation Menu