CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Hatid sa atin ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ng "Nag-iisang Action Man", Mayor Lucilo R. Bayron! 

Ngayong Nobyembre 23-24, 2024 sa Sta. Monica Race Track.

Mamangha at mabilib sa mga espesyal na bisitang Pro Riders:
* Bornok Mangosong
* Ralph Ramento
* Jerick Mitra
* Ompong Gabriel

Bukas rin ito sa ating mga local rider mula sa Puerto Princesa at buong Palawan.

See you all, Puerto Princesans!
 

Sa ikaapat na pagkakataon panalo ang Barangay Mandaragat sa Zumba sa Subaraw o Zumbaraw Dance Competition nitong hapon ng Nobyembre 10, 2024 sa Edward S. Hagedorn Coliseum. Bahagi pa rin ang aktibidad ng Subaraw Biodiversity Festival 2024.

Binuo ng 72 miyembro ang grupo na mga babae at lalaki na gumiling, humataw at nagpakita ng pambihirang galaw kaya nakuha ang atensiyon ng mga hurado at manonood. 94.92 percent ang nalikom na iskor ng grupo na tumanggap ng premyong ₱75,000.00.

“Bakit ang malinis na mga kamay ay mahalaga pa rin” (Why are clean hands still important), ito ang tema ng 2024 Global HandwashingDay kung saan ipinagdiwang ito sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng paligsahan sa mga presentasyon ng pinakamahusay na paraan sa paghugas ng mga kamay ng ginampanan ng mga mag-aaral day care centers.  Isinagawa ang isang programa sa paggawad ng pagkilala sa mga nananlo sa NCCC Mall noong Nobyembre 7, 2024 na dinaluhan ng mga bata, magulang, day care center workers at opisyales ng mga barangay.

Animnaput anim na mga pundador ng bayan ang kabilang sa Batch 11 ng Forever Young na nakararanas ng pampering mula Nobyembre 10 hanggang 12, 2024.

Ang Forever Young ay bahagi ng mapagkalingang programa ni Mayor Lucilo R. Bayron para sa mga senior citizens kung saan bawat barangay sa lungsod ay may isang senior citizen na kalahok.

Pinatunayang muli ng Siargao Dragons mula sa “Surfing Capital of the Philippines”, Siargao, Surigao del Norte na sila pa rin ang magdodomina sa tunggalian ng mga mahuhusay sa ginanap na “3rd International Dragon Boat Festival” sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Oktubre 26-27. Ipinamalas ng ‘paddlers’ ang matibay na teamwork, lakas ng katawan, diskarte at bilis para makaungos sa bawat laban.

Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa kapana-panabik na water-based sport activities na gaganapin sa lungsod. Mapapansin ang mga ginawang bleachers sa baywalk upang mas komportable ang panonood sa gaganaping 3rd Puerto Princesa International Dragon Boat Festival mula Oct. 25-27 at ang inaabangang ICF Dragon Boat World Championship mula Oct. 28 - Nov. 4. Maliban sa removable bleachers ay magtatayo din ng removable tent sa paligid at iba pang pasilidad.

Latest News

November 15, 2024

Hatid sa atin ng pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ng "Nag-iisang Action Man", Mayor Lucilo R. Bayron! 

Ngayong Nobyembre 23-24, 2024 sa Sta. Monica Race Track.

Mamangha at mabilib sa mga espesyal na bisitang Pro Riders: * Bornok Mangosong * Ralph Ramento *...

November 12, 2024

Sinimulan sa parada nitong Nobyembre 8 ang pagbubukas ng Drum and Lyre Competition kaugnay ng Subaraw Biodiversity Festival 2024 mula sa Robinson's Mall hanggang sa Edward S. Hagedorn Coliseum.

Mula sa siyam na paaralang sumali sa elementary level, itinanghal na Grand...

November 12, 2024

Services/Related Links

    

Visit Puerto Princesa

PAGASA Weather Updates

DOST PAGASA Weather Updates

 

Honors and Awards