CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Ipinagmamalaki ng lungsod ng Puerto Princesa ang mga natatanging pagganap at tagumpay nito sa pagpapalaganap ng mabuti at maayos na pamamahala, pag-unlad ng imprastruktura, kahusayan ng gobyerno, at pag-angat sa kompetisyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng iba't ibang mga gantimpala at pagkilala na natanggap nito, mapa-rehiyon man ng MIMAROPA at sa bansa sa mga nakaraang taon hanggang ngayon. Ang mga inisyatibo sa pag-unlad, innovation, programa, at proyekto ng Pamahalaang Lungsod, na pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ay nakatulong sa mga tagumpay na ito.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron, ang Puerto Princesa City ay naglunsad ng mga proyekto at programang sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng pag-unlad ng kabataan. Mula sa edukasyon hanggang sa sining, ang bawat inisyatibo ay naglalayong bigyang-lakas ang ating mga kabataan na maging aktibong bahagi ng lipunan.

Dumanas man ng pagkasira ng mga pananim sanhi ng mga bagyong dumaan noong buwan ng Setyembre, nakapatala pa rin ang SM Kadiwa Outlet ng kinitang P116,218.00 mula sa mga itinindang mga produkto sa mga noong Setyembre 28, 2024.

Ampalaya, Letsugas, Sitaw, talong ,okra ang mga “best sellers” na gulay. Meron ding mga panindang prutas tulad ng melon,itlog, free range chickens, mushroom at by-products ng mga produktong dagat.

Ginanap nitong ika-5 ng Oktubre 2024 ang koronasyon ng Mr. & Ms. Forever Young 2024 sa Edward S. Hagedorn Coliseum. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-27 taong Elderly Filipino Week at ika-40 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines-Puerto Princesa. Ang selebrasyon ay may temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring Generations”.

Sa ikatlong pagkakataon, muling ginanap sa Brgy. Bagong Silang ngayong araw, Oktubre 5 ang sabayang paglilinis ng dalampasigan, mga estero at paligid para sa ikalabing-isang episode ng Save the Puerto Princesa Bays.

Nagkaisang muli ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor, mapa-pribado o pampublikong grupo at mga uniformed personnel. Sinimulan sa masayang programa kung saan nagkaroon ng zumba exercise na pinangunahan ng City Sports Office at ang nakakaindak na sayawan mula sa Banwa Dance and Arts.

Isang malaking karangalan para sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na ihayag ang pagho-host nito ng 2024 International Canoe Federation (ICF) Dragon Boat World Championship, na gaganapin sa  Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4, 2024.  Isa itong prestihiyosong paligsahan na dinadaluhan ng mga pinakamagagaling na koponan ng dragon boat sa iba’t-ibang panig ng mundo.

July 1, 2021

Regional Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Diseases MIMAROPA and Regional Taskforce AgaInst COVID-19 MIMAROPA

Joint Resolution No. 41 Series of 2021

CONCURRENCE ON THE REQUEST OF PUERTO PRINCESA CITY TO EXTEND THE TEMPORARY SUSPENSION OF INBOUND FLIGHTS AND SEA VOYAGES OF ALL RETURNING RESIDENTS AND NON-GOVERNMENT APORs FROM NCR PLUS UNTIL 15 JULY 2021

Pormal ng ibinigay sa Pamahalaang Lungsod ang donasyong mga COVID-19 Antigen Rapid Test Kits mula sa inisyatibo ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), katuwang ang Delta P, Inc., Vivant Energy Corporation, at Vivant Foundation Inc., nitong Hunyo 24, 2021 sa Atrium ng New Green City Hall. Ang nasabing Donasyon ay malugod na tinaggap nina Incident Management Team-Commander Dr. Dean Palanca at City Administrator Atty. Arnel Pedrosa.

Latest News

October 15, 2024

Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng industriya ng sports tourism sa Pilipinas, isang malaking karangalan ang natamo ng Puerto Princesa, nang ito ay makasama sa nominado bilang “Philippine Sports Tourism Government Organizer of the Year 2023.” Ang nominasyong ito ay patunay ng pagsusumikap at...

October 15, 2024

Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng industriya ng sports tourism sa Pilipinas, isang malaking karangalan ang natamo ng Puerto Princesa, nang ito ay makasama sa nominado bilang “Philippine Sports Tourism Government Organizer of the Year 2023.” Ang nominasyong ito ay patunay ng pagsusumikap at...

October 15, 2024

Mahalagang papel sa pangangalaga ng karagatan, dalampasigan, look o baybayin ang programang kinonsepto at pinagtatagumpayan sa ilalim ng Mega Apuradong Administrasyon – ang Save the Puerto Princesa Bays.

Sa pag-arangkada nito sa ika-labindalawang episode noong Oktubre 12, muling...

Services/Related Links

    

Visit Puerto Princesa

PAGASA Weather Updates

DOST PAGASA Weather Updates

 

Honors and Awards