Printer-friendly version

Puerto Princesa, Dec 28 CIO - Kinilala bilang ika-lima sa pinakamagaling na Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa buong Region IV si  Ruby Padillla ng Barangay Cabayugan. Ang pagkilala ay iginawad sa noong Setyembre 29 sa Manila kasabay ng pag-gawad sa lungsod ng Puerto Princesa bilang Most Promising City ng MIMAROPA.

Nanguna si Padilla sa 280 barangay nutrition scholar sa lungsod at kinilala ng City Nutrition Office  bilang most outstanding BNS ngayong taon. Si Padilla ang representante ng Pamahalaang Lungsod katapat ang iba’t-ibang outstanding BNS sa Region IV.  Ang patuloy na innovations nito sa loob ng 9 na taon nito bilang BNS ang naging daan upang kilalanin ng City Nutrition Office at Regional Nutrition Council.

Ilan sa innovations ni Padilla ay ang pagkakaroon ng kompletong record ng bawat residente ng barangay, lalo na ang mga batang 6 na taon pababa ang edad.  Napapadali nito ang pag-monitor sa timbang ng mga bata, kalagayan ng mga buntis  at maging ng mga matatanda. Higit na eto sa responsibilidad ng BNS gayunman ay ginagawa na din ni Padilla sa larangan ng serbisyo publiko.  Nag-resulta eto sa mas mataas na rehabilitasyon ng mga batang malnourish. Maliban dito, patuloy ang koordinasyon nito sa mga non-governmental organization para karagdagang suporta sa programa ng nutrisyon sa kanilang barangay.

Tumanggap ng tatlong libong piso at plake ng pagkilala mula sa Regional Nutrition Council  si Ruby Padilla.

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu