Puerto Princesa, June 9 CIO - Itinakda ng Super Apuradong Administrasyon ang ika-26th taong selebrasyon ng Pista ‘y ang Kagueban sa June 25, huling sabado sa buwan ng Hunyo na gaganapin sa Sitio Impapay, Bgy. Irawan.
Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, nagsagawa na ng ocular inspection ang Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron upang personal na makita ang venue at tiyakin ang maayos na daanan at planting site.
Puert Princesa - Public and private sector leaders of Puerto Princesa City committed to help propel the city’s inclusive and resilient economic growth as they joined the Stakeholders Forum on February 23 at Sienatel Training Hotel, organized by the U.S. embassy Manila’s United States Agency for International Development (USAID).
Puerto Princesa, CIO - Muling nabigyan ng Zeal of Child Friendly Local Governnance sa ikalawang pagkakataon ang Puerto Princesa City mula sa DSWD Mimaropa Region. Ito ay pagkilala sa mga inisyatibong isinasagawa ng lokal na pamahalaan sa promosyon ng mga karapatang pambata para sa kaunlarang pangkaligtasan, proteksyon at partisipasyon patungo sa kabutihan ng kanilang kapakanan.
Puert Princesa, CIO - Upang mapangalagaan at masulit ang kapakinabangan ng mga kalsada at daanan sa Puerto Princesa, mahigpit nang ipapatupad ang Ordinansa Bilang 712 na tinaguriang “Anti-Overloading Ordinance of Puerto Princesa City.”
Department of Health - MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) Regional Director Eduardo C. Janairo with Ospital ng Palawan Chief of Hospital Melecio N. Dy and Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron signed a Memorandum of Agreement (MOA) for the immediate implementation of the Point of Care (POC) Enrollment Program of the National Health Insurance Program for indigent patients in Puerto Princesa City, Palawan on February 29, 2016.
Puerto Princesa, March 14 CIO - Nilagdaan nina Mayor Lucilo R. Bayron at Dr. Melecio N. Dy nitong Pebrero 29, 2016 ang kontrata sa pagitan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa at Ospital ng Palawan na nagsasaad ng kasunduan hinggil sa programang pangkalusugan para sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod na walang kakayanang magbayad kapag nagkasakit at naospital.
Puerto Princesa, March 14 CIO – Pinasinayaan kamakailan ang gusaling Center for Girls na inilaan ng Pamahalaang Lokal ng Puerto Princesa para sa mga batang kababaihan na naging biktima ng iba’t-ibang krimen sa lipunan. Nakapaloob ito sa lupaing may sukat na 5 ektarya na nasa Purok Paglaum sa Bgy. Mangingisda ng lungsod.
Puerto Princesa, June 26 CIO - Nagpahayag ng matinding pagka-bahala ang ating bagong City Election Officer sa katauhan ni Atty. Ferdinand T. Bermejo, na siyang kapalit ng dating kontrobersyal na election officer- Atty. Orlando Baalan.
Humihingi ng tulong sa Tanggapan ng Impormasyon si Atty. Bermejo matapos makipag-pulong sa ating Punong Lungsod Mayor Lucilo R. Bayron tungkol sa kanyang pangamba. Nais maiparating ni Atty. Bermejo sa lahat ng mga botante ang kaalamang ito at hindi masayang ang kanilang karapatang bumoto sa 2016 election.
Puerto Princesa, July 26 CIO - Pangungunahan ng City Nutrition Council(CNC) sa Lungsod ng Puerto Princesa ang nutrition month celebration ngayon Hulyo 2015. Tema ng selebrasyon “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo”.
Puerto Princesa, June 26 CIO - Handang-handa ang Apuradong Administrasyon para sa ika-25 taong selebrasyon ng Pista ‘Y ang Kageban sa lungsod. Ang PYAK ay itinakda sa Hunyo 27, alas singko ng umaga, sa Sta. Lucia Hot Spring. 80 libong seedlings tulad ng manguim, mahogany, gmelina, narra, palawan cherry, golden showers, amugis, santol, ipil, sahing, kape, seresas at iba pang fast growing trees ang itatanim sa walong ektaryang planting site sa Sta Lucia Hot Spring. Tema sa selebrasyon “ Buhay ay Ingatan, Kalikasan ay Pahalagahan”.