CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa ikaapat na pagkakataon panalo ang Barangay Mandaragat sa Zumba sa Subaraw o Zumbaraw Dance Competition nitong hapon ng Nobyembre 10, 2024 sa Edward S. Hagedorn Coliseum. Bahagi pa rin ang aktibidad ng Subaraw Biodiversity Festival 2024.
Binuo ng 72 miyembro ang grupo na mga babae at lalaki na gumiling, humataw at nagpakita ng pambihirang galaw kaya nakuha ang atensiyon ng mga hurado at manonood. 94.92 percent ang nalikom na iskor ng grupo na tumanggap ng premyong ₱75,000.00.
Pumangalawa naman ang Poblacion District I mula sa bayan ng Brooke's Point na may nakuhang 93.42 points at tumanggap ng halagang P50,000.00. Third placer naman ang Ipilan Nickel Corporation at nakatanggap ng premyong P35,000.00.
Ang iba pang napabilang sa sampung kalahok ay ang, PNS - SPS - Zumba Dance Group ng Palawan National School; Barangay Bancao - Bancao BBM; Barangay Cabayugan; Barangay San Jose at Barangay Masipag sa Puerto Princesa City. Ganundin ang Sandovalian Dancers ng Narra municipality at Pinyanayon Culture and Arts Organization ng munisipyo ng Bataraza.
Samantala, ang mga hindi pinalad na magwagi sa timpalak ay pinagkalooban ng P15,000.00 bilang consolation prizes.
Katuwang naman ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pag-abot ng mga papremyo sa mga nanalo sina City Councilors, Judith "Raine" Bayron at Karl Dylan Aquino at former Congressman Abraham Khalil Mitra.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |