CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Ginanap nitong ika-5 ng Oktubre 2024 ang koronasyon ng Mr. & Ms. Forever Young 2024 sa Edward S. Hagedorn Coliseum. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-27 taong Elderly Filipino Week at ika-40 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines-Puerto Princesa. Ang selebrasyon ay may temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring Generations”.
5 pares ng Senior Citizen ang naglaba-laban upang masungkit ang korona. Unang humataw ang ang mga kalahok sa Production Number. Sumunod ay rumampa sila suot ang casual attire. Nagpasiklaban ang mga lola’t lolo sa kanilang talento. Elegante silang rumampa suot ang formal attire at gown. Matapos sa rampahan ay sumabak ang mga candidates sa question and answer portion. Nagsilbing hurado sina City Accountant Charlito B. Padul, FSCAP-PPC President Mercedes T. Avanceña, at si OSCA Head Ma. Asuncion D. Vigonte.
Sa mga kababaihan, Kinoronahan bilang Ms. Forever Young 2024 si Lola Elsa Ong ng Bgy. Sta. Monica na humakot ng special awards na Darling of the Crowd, Best in Ramp, Miss Close up Smile, Best in Production, Bewst in Casual Wear, Best in Talent, at Best in Gown. 1st Runner Up si Lola Jocelyn Concepcion ng Bgy. Sta. Cruz. 2nd Runner Up si Lola Lilia Sy ng Bgy. Bancao Bancao. Si Lola Elita Daganta ng Bgy. Maunlad ang nakakuha ng 3rd Runner Up at 4th Runner up ang lola mula sa Bgy. Bahile na si Lorna Manzano.
Itinanghal na Mr. Forever Young 2024 ang pambato ng Bgy. San Jose na si Lolo Efren Herrera. Naiuwi din nya ang mga awards na Best in Production Number at Best in Talent. 1st Runner up ang kinatawan ng Bgy. Langogan na si Lolo Boy Magallanes na ginawaran bilang Darling of the Crowd. 2nd Runner Up si Lolo Nestor Gabua ng Bgy. Milagrosa na nakasungkit ng mga awards na Mr. Close Up Smile, Best in Casual Wear, at best in Formal Attire. 3rd Runner Up at Best in Ramp ang napanalunan ni Lolo Francisco Joseco ng Bgy. Bahile. 4th Runner up si Lolo Roberto Ignacio ng Bgy. Bancao bancao.
Ang selebrasyon ng Elderly Filipino Week ay may temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring Generations”.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |