CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Dumanas man ng pagkasira ng mga pananim sanhi ng mga bagyong dumaan noong buwan ng Setyembre, nakapatala pa rin ang SM Kadiwa Outlet ng kinitang P116,218.00 mula sa mga itinindang mga produkto sa mga noong Setyembre 28, 2024.
Ampalaya, Letsugas, Sitaw, talong ,okra ang mga “best sellers” na gulay. Meron ding mga panindang prutas tulad ng melon,itlog, free range chickens, mushroom at by-products ng mga produktong dagat.
Binubuo ng 15 magsasaka na miyembro ng Kabalikat sa Kabuhayan Sustainable Program at 12 naman na hindi kasapi ang sama-samang nagtitinda ng kani-kanilang mga produkto.
Ang tanggapan ng Agrikulturang Panlungsod ang namamahala sa proseso ng pagtitinda ng mga produkto mula sa mga magsasaka. Kinukuha nila ito mula sa mga taniman para itinda sa iba’t-ibang KADIWA outlets. Sa paraang ito, hindi na gagastos pa ang mga magsasaka sa pag-angkat ng mga ani at maiiwasan na rin ang pagkalugi nila dahil sa masyadong mababa ang presyo ng mga wholesaler.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |