CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, CIO - Muling nabigyan ng Zeal of Child Friendly Local Governnance sa ikalawang pagkakataon ang Puerto Princesa City mula sa DSWD Mimaropa Region. Ito ay pagkilala sa mga inisyatibong isinasagawa ng lokal na pamahalaan sa promosyon ng mga karapatang pambata para sa kaunlarang pangkaligtasan, proteksyon at partisipasyon patungo sa kabutihan ng kanilang kapakanan.
Iginawad din kay Mayor Lucilo R. Bayron ang Sertipiko ng Pagkilala sa kanyang mga hakbangin at suporta upang magkaroon ng mapagkalingang sambayanan sa mga kabataan ng lungsod. Sa ilalim ng kanyang pamamahala nagkaroon ng “Child Minding Center” sa City Hall para sa mga babaeng empleyadong may supling na walang mapag-iiwanan habang nasa trabaho. Inilaan ang malaking bahagi ng ikalawang palapag ng lumang gusali ng pamahalaang lungsod para sa center. Dito ay maaaring silang makapaglaro, matuto at maiwan ang mga bata na ligtas. Nilagyan ito ng mga tulugan, laruan, librong pambata at dalawang magbabantay na kawani. Inayusan ang silid na may aircondition at ang disenyong angkop sa mga bata. Patuloy rin ang pagpapaganda sa mga gusaling itinayo sa Bgy. Mangingisda para sa mga kabataang lumabag sa batas, biktima ng krimen at may kapansanan.
Ang Tanggapan ng Panlungsod na Kagalingang Panlipunan at Pag-unlad (CSWD) ay kinilalala rin sa kanilang inisyatibo at napakahalagang suporta para sa pagdiriwang ng kamalayang sa pag-aampon ngayong 2016.
Ang mga pagkilala ay ipinagkaloob noong Pebrero 29, 2016 ng mga kinatawan ng DWSD Mimaropa at sinasaksihan ng mga puno ng tanggapan at mga kawani pagtapos ng tuwing Lunes na pagtataas ng watawat.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |