CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, June 26 CIO - Handang-handa ang Apuradong Administrasyon para sa ika-25 taong selebrasyon ng Pista ‘Y ang Kageban sa lungsod. Ang PYAK ay itinakda sa Hunyo 27, alas singko ng umaga, sa Sta. Lucia Hot Spring. 80 libong seedlings tulad ng manguim, mahogany, gmelina, narra, palawan cherry, golden showers, amugis, santol, ipil, sahing, kape, seresas at iba pang fast growing trees ang itatanim sa walong ektaryang planting site sa Sta Lucia Hot Spring. Tema sa selebrasyon “ Buhay ay Ingatan, Kalikasan ay Pahalagahan”.
Sa 25th PYAK maiiba ang lugar na pagtataniman. Gaganapin ang malawakang pagtatanim sa paligid ng Sta. Lucia Hot Spring upang lalong mapayabong ang kakahuyan sa paligid nito at ma-proteksiyonan ang hot spring na pinangangalagaan ng siyudad. Nais ding unti-unting maipakilala ang hot spring bilang kakaibang natural na yaman ng siyudad matapos na madiskubreng alkaline ang tubig ayon sa mga ekspertong nagsagawa ng pananaliksik dito. Iilan lamang umano ang ganito sa buong mundo.
Mas magiging bongga ang selebrasyon ng Pista ‘Y and Kageban ngayong taon, bilang salubong sa silver anniversary celebration nito. Simple ang programa ng nakaraang PYAK, ngayong taon nais ng lokal na pamahalaan na maging bongga ito sa pag-imbita ng dalawang stand-up comediannes ang magbibigay kasiyahan sa programa. Liban pa sa mga lokal talents ng lungsod. Inaasahang higit ang dami ng partisipante kumpara ng nakaraang taon. Mas pinalawak ang imbitadong sektor ng lipunan na makiki-isa sa taonang malawakang pagtatanim.
Naunang isinagawa ang Pista ‘Y ang Kageban sa lungsod sa pagtataguyod noon ng Palawan Council for Sustainable Development Staff o PCSDS noong 1991 sa layuning panatilihing mayabong ang bundok ng Irawan lalo na ang watershed area na siyang pinagmumulan ng inuming tubig sa lungsod.
Upang maging mas masaya ang selebrasyon, magkakaroon ng mini-show sina Ethel Boobay at Manny Pakyawan, kilalang stand-up comediannes. Kakanta din si Jessamae Rebollos, grand champion 2015 Balayong Singing Idol. Sa ikatlong bahagi ay magkakaroon n ala “your face sounds familiar” show.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |