Mahigit dalawang libong residente ng lungsod ang nakinabang sa buong araw na Operation Bigay Lunas, handog ng Mercury Drug at Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa nitong Pebrero a-uno sa City Coliseum.
Mahigit dalawang libong residente ng lungsod ang nakinabang sa buong araw na Operation Bigay Lunas, handog ng Mercury Drug at Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa nitong Pebrero a-uno sa City Coliseum.
Punong-puno ang City Coliseum ng mga taong nanood ng PBA All Star Games noong Marso 8, 2015. Okupado hanggang ang mga daanan at hagdanan na sabay-sabay sa pagpalapakpak, paghiyaw at pagsuporta sa kanya-kayang manlalaro. Wala ring humpay ang pagbi-video at pagkuha ng mga larawan kasabay ng wala ring humpay na pagpaypay dahil sa init.
Itinanghal na 2nd Balayong Best Voice champion si Jeszammae Rebollos ng Barangay Bancao-Bancao noong ika-2 ng Marso sa Baywalk Area. Umangat ito sa labindalawang(12) katunggali na nagmula sa iba't-ibang barangay dito sa lungsod sa awiting All By Myself.
Nilahukan ng humigit kumulang sa labing-isang(11) ahensiya ng mga tagapamayapa na kinabibilangan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga ahensiyang nasa ilalim ng DILG ang isinagawang 2nd Peacekeeping Force Parade. Ito ay nagsimula sa Junction 1 at nagtapos sa Baywalk Area.
Mahigpit na iniutos ni City Mayor Lucilo R. Bayron sa pulisya ng lungsod na pag-ibayuhin ang imbestigasyon sa dalawang magkasunod na kaso ng panghu-holdap kamakailan para sa ikadarakip ng mga pinaghihinalaan.
Ang utos ng alkalde ay ipinalabas kasabay ng pagdiriwang ng 24th founding anniversary ng Philippine National Police.
Kagyat na inatasan kahapon (Pebrero 26) ni City Mayor Lucilo R. Bayron si City Administrator Elena Rodriguez na alamin ang may kagagawan ng nakakabit na billboard sa tabi ng Caltex Station sa Junction 3, Brgy. San Pedro na inirereklamo ng marami dahil sa mga nakasulat dito na lubha umanong nakasisira sa imahe ng siyudad partikular sa industriya ng turismo.
596 ng kabuoang 646 na mga turista mula sa bansang Europa, Britanya at America ang namasyal sa lungsod ng Puerto Princesa at tumungo sa Underground River at iba pang pangunahing pasyalan
Puerto Princesa, Feb. 25 CIO - Hindi naiwasang banggiting muli ni City Mayor Lucilo R. Bayron ang ilan sa nagawa ng kanyang “Apuradong Administrasyon” sa halos isa at kalahating taon lamang ng panungkulan na naging daan upang mabawasan ang malaking cash deficit ng siyudad at mabayaran ang ilang pagkakautang na halos bumilang ng mga taon.
Puerto Princesa, Feb.21 CIO - Ang pagpasok ng taxicab units sa lungsod ng Puerto Princesa ay malinaw na palatandaan na nakikita ng mga investor sa larangan ng tra
Puerto Princesa, Feb. 18 CIO - Minsan pang nagtamo ng karangalan ang lungsod ng Puerto Princesa sa taunang Travel Mart na katatapos isagawa sa SM Mall of Asia sa Pasay City nitong nakaraang Pebrero 13 hanggang a-15.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |