CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Articles Archives

Other Articles

  • Puerto Princesa, CIO - Muling nabigyan ng Zeal of Child Friendly Local Governnance sa ikalawang pagkakataon ang Puerto Princesa City mula sa DSWD Mimaropa Region.  Ito ay pagkilala sa mga inisyatibong isinasagawa ng lokal na pamahalaan sa promosyon ng mga karapatang pambata para sa kaunlarang pangkaligtasan, proteksyon at partisipasyon patungo sa kabutihan ng kanilang kapakanan.

  • Puert Princesa, CIO - Upang mapangalagaan at masulit ang kapakinabangan ng mga kalsada at daanan  sa Puerto Princesa, mahigpit nang ipapatupad ang Ordinansa Bilang 712 na tinaguriang “Anti-Overloading Ordinance of Puerto Princesa City.”

     

  • Department of Health - MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) Regional Director Eduardo C. Janairo with Ospital ng Palawan Chief of Hospital Melecio N. Dy and Puerto Princesa City Mayor Lucilo R.

  • Puerto Princesa, March 14 CIO - Nilagdaan nina Mayor Lucilo R. Bayron at Dr. Melecio N. Dy nitong Pebrero 29, 2016 ang kontrata sa pagitan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa  at Ospital ng Palawan na nagsasaad ng kasunduan hinggil sa programang pangkalusugan para sa mga  mahihirap na mamamayan ng lungsod na walang kakayanang magbayad kapag nagkasakit at naospital.

  • Puerto Princesa, March 14 CIO – Pinasinayaan kamakailan ang gusaling Center for Girls na inilaan ng Pamahalaang Lokal ng Puerto Princesa para sa mga batang kababaihan  na naging biktima ng iba’t-ibang krimen sa lipunan.  Nakapaloob ito sa lupaing may sukat na 5 ektarya na nasa Purok Paglaum sa Bgy. Mangingisda ng lungsod.

  • Puerto Princesa, Jan. 18 CIO - Itinalaga bilang bagong Officer In Charge ng Puerto Princesa City Police Office o PPCPO si PSSupt. Redentor Jaurigue Marañon sa ginanap na Turn-Over of Office Ceremony nitong, January 13, 2016 sa Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod.

  • Puerto Princesa, Jan. 18 CIO - Pinulong ni Mayor Lucilo Bayron kamakailan ang binuong Task Force El Niño upang simulan na ang preparasyon para sa napipintong pagdating ng tag-init sa lungsod.

  • Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Nakamit ng Barangay Inagawan ang ika-limang pwesto sa Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Council sa katatapos na Regional Nutrition Awarding Ceremony na ginanap sa Hotel Jen Manila, Pasay City kamakailan.

  • Puerto Princesa, Dec 28 CIO - Kinilala bilang ika-lima sa pinakamagaling na Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa buong Region IV si  Ruby Padillla ng Barangay Cabayugan. Ang pagkilala ay iginawad sa noong Setyembre 29 sa Manila kasabay ng pag-gawad sa lungsod ng Puerto Princesa bilang Most Promising City ng MIMAROPA.

  • Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Sa ginanap na ika-123 na regular na sesyon ng ika-14 na Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ipinagtibay ang Resolusyon No. 1374-2015, “A RESOLUTION REQUESTING THE CITY ENGINEERING OFFICE TO FULLY IMPLEMENT CITY ORDINANCE NO. 196 OTHERWISE KNOWN AS “AN ORDINACE REGULATING THE CONSTRUCTION OF HUMPS WITHIN THE ROADS AND STREETS OF PUERTO PRINCESA”.”

Pages