CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Oct. 15, 2012 – Malaki ang potensyal ng Taraw Cave na matatagpuan sa Brgy. San Rafael na maging isa sa mga pangunahing pook pasyalan sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay Kap. Gregorio Nalica ng San Rafael, malaki ang naiambag ng Taraw Cave sa nabuong kasaysayan ng lungsod dahil naging kublihan ito ng mga beterano sa pamumuno ng bayani ng lalawigan ng Palawan na si Dr. Higinio Mendoza Jr. na kasalukuyang gobernador noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
May mga hakbang na ginagawa ang local na pamahalaan ng San Rafael para maipakilala ang Taraw Cave. Katunayan sa Environmental Awareness Month ngayong Oktubre isang programa ang isasagawa sa Taraw Cave.
May nailimbag na rin na aklat ukol sa Taraw Cave sa tulong ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa pero giit ni Nalica mas makabubuti na matulungan sila ng City Tourism Department na maipakilala ang kweba bilang isa sa mga pangunahing pasyalan dito,
Ang lungsod ng Puerto Princesa ay bantog sa mga magagandang programang pangkapaligiran at panturismo kung kaya’t sa paglipas ng panahon ay malayo na ang naabot nito. Mas lalong umangat ang pagkakakilala nito nang maiproklama ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa New Seven Wonders of Nature (N7W) nitong taon.
Subalit sa dami ng tao na nakarating sa UR at iba pang pook pasyalan, mas makabubuti na ayon sa punong barangay na mabigyan din ng pagkakataon ang ibang mga community based sustainable program. (Cheryl Galili – The Palawan Times)

Article Type: 
Categories: