CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Nakapasok sa Top 77 ang Puerto Princesa Subterranean River National Park o mas kilala bilang Underground River sa kampanya nito na mabilang sa new seven wonders of nature.

Nagtapos noong ika-8 ng Hulyo ganap na ikawalo ng gabi ang online voting dito sa Pilipinas para sa 2nd phase ng pagboto. Sa huling tala sa live ranking noong ika-6 ng Hulyo na ipinakita sa website ng new 7 wonders, nasa ikalawang pwesto pa rin ang PPSRNP at nakuha naman ng Amazon River ang unang pwesto.

Ganap na ika-10 ng gabi noong, ika-9 ng Hulyo ng i-post sa website nito ang mga nakasama sa top 77 na nominado na naka-alphabetical order. Ito ay mula sa top 11 ng bawat kategorya na hinati sa pito at inindorso ng ‘Official Supporting Committee” (OSC).

Samantala, nakatakda naman i-review o rebisahin ng Panel of Experts na pinangungunahan ni Prof. Federico Mayor ang 77 nominado kung saan ay pipili sila ng 28 official finalist na susulong sa ikatlong bahagi at pinal na botohan upang maideklarang 7 wonders of nature sa taong 2011.

Ang pagpili sa 28 official finalist ay hindi nakabase sa specific ranking position nito. Ang mahalaga ay nakapasok ang nominado sa top 77 mula sa orihinal na 440 participants at ito ay naaayon sa mga itinakdang batayan katulad ng mga sumusunod: angking kagandahan ng nominadong lugar; diversity & distribution across and among the different site categories; kahalagahang pang-ekolohiya; historical legacy; geo-location.

Muli, ang pasasalamat ni Mayor Edward S. Hagedorn sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod, lalawigan at bansa, mga turista na tumangkilik, sumuporta at bomoto upang makapasok ang Puerto Princesa Subterranean River National Park sa top 77 ng second phase selection for the new 7 wonders of nature.

Nakatakdang ideklara ang 28 official finalist candidates sa ika-21 ng Hulyo taong kasalukuyan, 14:07 local time (12:07 GMT) sa New7Wonders headquarters sa Zurich, Switzerland.

 

Article Type: 
Categories: