CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Sa inilabas na balita mula sa New7Wonders, pangalawa ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (Underground River) sa mga binoboto ng mga kabataan na nag-e-edad 18 pababa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Samantala, nasa ika-anim na pwesto naman ito sa percentage ranking ng most voted finalist by gender. Nakatanggap ng 43.7% mula sa grupo ng mga kababaihan at 56.3% mula sa grupo naman ng mga kalalakihan.

Nasa ikalawang buwan na ng pagboboto ang 3rd at final phase ng Search for the New 7 Wonders of Nature kung saan ay nanguna ang PPSRNP sa unang bahagi nito kung saan umaabot sa 441 ang mga nominado. Pumangalawa naman ito sa ikalawang bahagi ng pagboto kung saan ay mayroong 261 na nominado mula sa 222 na bansang kalahok.

Ang 3rd at final phase ng online/phone/sms voting ay nagsimula noong ika-21 ng Hulyo taong kasalukuyan at magtatagal hanggang sa Disyembre 2010 kung saan naman ay naglalaban ang 28 kalahok para sa tatanghaling New7Wonders of Nature sa taong 2011.

Muli, hinihikayat ng pamunuan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Edward S. Hagedorn ang lahat nang mga mamamayan na suportahan ang Puerto Princesa Subterranean River National Park sa huling yugto ng laban nito upang makasama sa itatanghal na New7Wonders of Nature.

Malaking tulong ang mapasama dito hindi lamang sa larangan ng turismo, maging sa kalakalan ng lungsod at bansa.

 

Article Type: