CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Lalahok ang lungsod ng Puerto Princesa sa promosyon ng Department of Tourism- Region IV ng iba’t ibang tourist destination sa rehiyon na tinaguriang “Wonders to Discover” na gaganapin sa Clamshell ng Intramuros mula July 28 hanggang August 10 ng taong kasalukuyan.

Itatampok ng lungsod ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) upang mapalakas ang kampanya na mapabilang ito sa listahan ng New 7 Wonders of Nature (N7WN). Maliban sa destination booth na ilalagay ng City Tourism Office, maglalagay rin ng Voting Center sa lugar upang mahikayat ang mga bisita sa event na bumoto para sa PPSRNP.

Nakikita naman ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn ang event na nasabi na magandang pagkakataon upang higit pang makilala ang lungsod ng Puerto Princesa at PPSRNP. Makakatulong rin umano ito ng malaki sa kampanya ng lungsod upang mapabilang ang PPSRNP sa N7WN.

Ang tourism promotion activities ng Department of Tourism Region IV ay magsisimula sa July 13-25, 2009 para sa CALABARZON at mula July 28-August 10, naman para sa MIMAROPA.

Samantala, pagkatapos nito, tuloy tuloy pa rin ang gagawing promosyon ng Lungsod sa mga tourism destination sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng paglahok sa mga travel mart.

 

Article Type: 
Categories: