CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

ppur

Puerto Princesa Jan. 30 CIO - Pinag-aaralan ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang posibilidad na pahabain ang panahon ng selebrasyon ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) Day nang hanggang isang linggo.

 

Sinabi ni Mayor Lucilo R. Bayron na ang unang pagdiriwang ng PPUR Day noong nakaraang Nobyembre 11, 2014 ay naging matagumpay sa pagdagsa ng maraming panauhin hindi lamang mula sa lungsod at lalawigan kundi maging ng mga lokal at dayuhang turista.

 

Puerto Princesa, Nov. 18 CIO - Ito ang paglalarawang ibinigay ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Rodriguez Bayron sa naganap na kauna-unahang pagdiriwang ng Puerto Princesa Underground River Day nitong Nobyembre 11, 2014.

Naging makulay at masigla ang nasabing pagdaraos na dinaluhan ng halos sampung libong katao, mas higit pa kumpara sa mga nakaraang malakihang pagdaraos na nagaganap sa lungsod, ayon sa datos ng City Traffic Management Office.

Puerto Princesa, Nov. 17CIO - Dahilan sa katapatan at taos-pusong paglilingkod, buong pagmamalaking kinilala ni Mayor Lucilo R. Bayron ang limang staff ng Puerto Princesa Underground River Office sa selebrasyon ng  unang anibersaryo ng deklarasyon ng PPUR day  tuwing november 11 ng taon.

Puerto Princesa, September 09 CIO - Huwag maging dayuhan sa sariling bayan, kaya’t muling magbibigay ng pagkakataon ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ng libreng tour sa kilalang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan ngayong buwan ng Setyembre.

 

Puerto Princesa, August 6 CIO - Umaabot sa 5.1 million pesos ang halaga ng ipinagawang 2-story o dalawang palapag na gusali ng Philippine National Police (PNP) Sabang Station. Ayon kay Beth Maclang, Park Superintendent ng Puerto Princesa City Underground River, ang pondong ipinapagawa ay mula sa park fees na ibinabayad ng mga turistang pumupunta sa Underground River. Ito ay isa lamang sa mga pakinabang na ipinagkakaloob ng UGR.

 

Taus puso namang nagpasalamat si Superintendent Thomas Frias, ang bagong Chief of Police ng lunsod sa napakalaking proyektong ipinagkaloob ng PPUR at ng Alkalde ng Lunsod, Lucilo R. Bayron. Magtatalaga din umano ng karagdagang motorsiklo at bike si Supt. Frias upang magamit ng mga kawani ng PNP Sabang sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng paligid ng Sabang.

 

            Ayon kay Supt. Frias, napakalaking tulong ito sa hanay ng mga alagad ng batas upang lalo pang mapaganda at mapahusay ang kanilang pagseserbisyo sa komunidad. Ngayon lamang umano nagkaroon ng napakalaki at napakagandang estasyon ng pulisya sa nasabing lugar sa tagal na ng pananantili roon ng pulisya na syang patuloy na nangangalaga sa katahimikan ng pangunahing destinasyon ng mga turista sa lunsod.  

 

 

 

Puerto Princesa City, Jan. 15(CIO)-Dalawang daan siyamnapu’t apat na libo, limang daan pitumpo’t anim (294,576) ang kabuuang bilang ng mga turista ang dumalaw sa Puerto Princesa Underground River para sa taong 2012. Binubuo ito ng 248,467 lokal na turista at 46,154 mga banyaga. Mas mataas ito ng 12.3% sa nakaraang 2011 na may kabuuang bilang na 235,870.

Poster at a major junction in Puerto Princesa, featuring Bernard Weber, Founder-President of New7Wonders, Mayor Edward Hagedorn of Puerto Princesa City, Jean-Paul de la Fuente, New7Wonders Director, and Nardz Villafranca, Technical Coordinator of the PPUR campa

MANILA, April 22 (PNA) -- President Benigno S. Aquino III said that the government has identified several new eco-tourism destinations in the country apart from those which are already existing as he encouraged local and foreign tourists to visit and personally experience the world-class tourist spots in the Philippines that serve as the pride of the Filipino people.

MANILA, April 21 (PNA) -- President Benigno S. Aquino III will attend the official inauguration of the Puerto Princesa Underground River (PPUR) as one of the New 7 Wonders of Nature on Saturday night at the One Esplanade open grounds in Pasay City.

Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte made the announcement during an interview aired over government-run radio station dzRB Radyo ng Bayan.