CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

alay lakad

Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Muling magsasagawa ng taunang Alay Lakad para sa kapakanan  ng out of school youth(osy) dito sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan. Ang maramihang paglalakad ay itinakdang ganapin sa September 4, 2016.

 

Ayon kay Rev. Leonida Andrade Salva, President ng Alay Lakad Foundation Inc. Puerto Princesa City Chapter ang taunang programa sa Walk For A Cause ay gaganapin sa city coliseum na dadaluhan ng mga partisipante mula sa tatlong grupong lalakad mula sa tatlong starting area.

 

Upang gisingin ang kamalayan ng mga kabataan partikular ng mga out-of-school-youth, inilunsad ng Alay-Lakad Foundation, Inc-Puerto Princesa Chapter sa pamumuno ni Rev. Nida Macasaet ang Jingle Writing Contest para magkaroon ng opisyal na jingle ang Alay Lakad na maaaring magamit sa taunang gawain nito.

Umabot na sa 46 na mga out-of-school-youth sa mga nakaraang taon ang nabiyayaan mula sa scholarship grant ng Alay Lakad Foundation-Puerto Princesa Chapter. Ngayong taon mayroong sampung (10) kabataan na naman ang nabigyan nito at kasalukuyang nag-aaral sa San Miguel National High School, Palawan National High School, Luzviminda National High School, Palawan State University, Western Philippines University at Palawan Technological College Inc.