CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
(click the image to see more photos)
Puerto Princesa, July 01 CIO - Pinatunayan ng Philippine Marines ang kanilang gilas at lakas ng mapanalunan nila ang lahat ng major categories ng men’s, women’s at mixed sa kauna-unahang Puerto Princesa City Dragon Boat race na ginanap noong June 29, 2014 sa baywalk ng Barangay San Isidro at Bagong Pag-asa.
Labinglimang (15) mga koponan mula sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas, kasama ang limang taga-puerto princesa, ang nagpakita ng determinasyon sa ginanap na pabilisan ng pagsagwan.
Sa men’s category, kung saan binuo ng dalawampung (20) miyembro, 1st runner-up ang Boracay all Stars at 2nd runner-up ang Philippine Navy.
Sa women’s category, na binuo ng sampung (10) mga miyembro, 1st runner-up ang Philippine Navy at 2nd runner-up ang Boracay all Stars.
1st runner-up ang team ng Philippine Dragon Boat rowing team (pdrt) sa mixed category, na binuo ng labingdalawang (12) lalaki at walong (8) babae, at 2nd runner-up ang Boracay all Stars.
Sa kayak doubles na binuo ng isang (1) lalaki at isang (1) babae, panalo ang koponan ng Philippine Navy, 1st runner-up ang Boracay all Stars at 2nd runner-up ang Team Pyros.
Sa triyak na binuo ng dalawang (2) lalaki at isang (1) babae, panalo ang Philippine Navy at 1st runner-up ang Katabom ng Puerto Princesa. Ang koponan ng Pyros ay nag-2nd runner-up.
Ang iba pang lumahok sa competition ay ang De La Salle University, Philippine Titans, Manila Blazing Paddles, JohnB. Lacson Foundation Maritime University Arevalo, Inc. ng Iloilo City at Manila Dragons.
Maliban sa Katabom all Stars, ang iba pang team ng Puerto Princesa ay ang Honda Bay, Raja, Naraga at Iwahig Fireflies.
Ang 1st Puerto Princesa City Dragon Boat Race ay hatid ng Philippine Canoe and Kayak Federation Inc. ni President Jonne Go at ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |