CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 24 CIO - Patuloy ang preparasyon ng Apuradong Administrasyon para sa ika-24 taong selebrasyon ng Pista ‘Y ang Kageban sa lungsod. Ang pyak ay itinakda sa hunyo 28, alas singko ng umaga, sa Sitio Impapay, Irawan. 100 libong seedlings tulad ng manguim, mahogany, gmelina, narra, palawan cherry, tanabag, amugis, ipil, cobi at akli  na pawang fast growing trees ang itatanim sa sampung ektaryang planting site sa Sitio Impapay.

Simple at makahulugan ang magiging selebrasyon ng Pista ‘Y and Kageban ngayong taon, pawang mga lokal na mang-aawit at panauhin ang makakasama sa programa. Mas nais ni Mayor Lucilo Bayron na ang kahalagahan ng PYAK ang matandaan ng bawat partisipante, anya mas mahalagang maintindihan at isa-loob ng bawat magtatanim na ang pakiki-isa sa PYAK ay isang sakripisyo at pamana sa mga susunod na henerasyon upang masigurong mayabong ang kabundukan at kakayanin nitong tugunan  ang pangangailangan ng bawat residente ng lungsod tubig man o pagkain.

Ayon sa datus ng City ENRO, tinatayang umaabot na sa 3 milyong puno ang naitatanim sa loob ng mahigit dalawang dekada pagsasagawa ng PYAK sa lungsod at mayroong walumpung porsiyentong survival rate ang mga naitanim sa bundok ng Irawan.

Naunang isinagawa ang pista ‘y ang kageban sa lungsod sa pagtataguyod noon ng Palawan Council for Sustainable Development Staff o PCSDS noong 1991 sa layuning panatilihing mayabong ang bundok ng Irawan particular ang watershed area na siyang pinagmumulan ng inuming tubig sa lungsod.

Upang maging mas masaya ang selebrasyon, magkakaroon ng mini-concert ang Mitus tribe, kakanta din sina Mariane Combinido, grand champion 2014 Balayong Singing Idol part 2, Ellaine Langbid, grand champion 2014 Balayong Singing Idol part 1 at Adrian Adornado, 2014 Balayong Singing Idol finalist.

 

Article Type: 
Categories: