CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, May 20 CIO - “ Tututukan ng Apuradong Administrasyon ang sector ng pangisdaan sa lungsod”, ito ang tinuran ni Mayor Lucilo R. Bayron sa paglulunsad ng Damayan project sa barangay Binduyan kamakailan. Pangarap ng punong lungsod ang pagtatayo ng integrated fish port sa lungsod. Maglalagay dito ng ice plant, cold storage, processing plant, bodega at ibang mahalagang pasilidad sa industriya ng pangisdaan.

 

Tulad ng Navotas na bagsakan ng mga huling isda sa iba”t ibang lugar sa bansa,  gusto ng punong lungsod na ang fish port ay magsilbi ding bagsakan ng huling isda sa lungsod at dito na ito maibenta. Kailangan lamang ng pirmihang lugar para dito upang maging puntahan na din ng mga nag-aangkat mula sa ibang siyudad ng bansa.

 

Ang integrated fish port project ang isa sa mga poverty alleviation measure ng aporadong administrasyon sa layunin nitong maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga mangingisda sa lungsod.

 

Sa environmental estate sa Barangay Sta. Lucia ang nakikitang tamang lugar para tayuan ng integrated fish port sa lungsod.

 

 

 

Article Type: 
Categories: