CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Dec. 05 CIO - Muli na namang isinagawa ang taunang light-a-tree celebration noong a-uno ng disyembre 2013. Ang pagpapailaw ng higanteng christmas tree sa baywalk ang naging hudyat ng pagsisimula ng kapistahan, sa disyembre 8, 2013, at kapaskuhan, sa disyembre 25, sa lungsod ng puerto princesa.

Alas singko pa lang ng hapon ay nagsimula na ang prelude, kung saan nagparinig ng mga tugtugin ang Angklong Rizada clan at ang Tipano band ng Bundal family.

Kasunod nito ang panalangin ng iba’t-ibang sektor ng lipunan, sangguniang kabataan (SK) federation president, Fernie Mae Asuncion, ng youth at women sector; Fe tria Fernandez, principal ng Palawan Polytechnic College, Inc. ng ethnic cuyunon,  Berlie Gabinete, barangay captain-elect ng lucbuan ng cagayanen tribe, Gerardo Austria, tribe representative ng tagbanua; Imam Sonsong Camama, ng sektor ng muslim at Rev. Fr. Juan Felipe Torrecampo, kura paroko ng Immaculate Concepcion parish, sa religious and peace.       

Ang programa ay pormal na nagsimula sa pamamagitan ng pag-awit ng city choir ng Lupang Hinirang, ang pambansang awit ng pilipinas.

Kasunod ang christmas concert, kung saan labingpitong mga choir groups sa lungsod ang umawit ng kanilang inihandang mga christmas carols.

Ang sama-samang pag awit ng “payapang daigdig” ay sinundan ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron.

Inilahad ng alkalde ang pasasalamat sa poong maykapal sa pagliligtas sa syudad sa mga kalamidad tulad ng super typhoon Yolanda na sumira sa mga lalawigan sa kabisayaan.    

Matapos ilawan ang christmas tree makulay na mga firecrackers ang pumailanlang sa himpapawid ng Puerto Princesa. 

Article Type: 
Categories: