CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Dec.05 CIO - Sa bisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) memorandum circular no. 2013-139, itinakda ang barangay elections ng mga liga ng barangay chapters sa bansa.
Ang eleksiyon sa mga component city at municipal chapters ay nakatakda sa disyembre 9, 2013. Sa disyembre a-18, 2013 ang synchronized elections ng provincial, metropolitan, highly-urbanized cities tulad ng puerto princesa at mga icc liga chapters.
Ang eleksiyon naman para sa mga pang-nasyunal at pang-rehiyon na chapters ay itinakda sa enero 16, 2014.
Sa eleksiyon iboboto ng mga barangay captain ang nais nilang maging pangulo na kakatawan sa organisasyon sa konseho ng lungsod.
Sa mga nagnanais na kumandidato ay nararapat magbayad ng registration fees. Ito ay gagamitin sa eleksiyon, tulad ng honoraria ng mga board of election supervisor (BES) chairman at miyembro nito.
Ang pagpapatala ay mula disyembre 4 hanggang 5, 2013. (rky)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |