CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov.26 CIO - Kinilala ni Vice Mayor Luis M. Marcaida III ang hanay ng kabataan sa malaking kontribusyon nito sa Lungsod, partikular sa pagsuporta ng mga ito sa mga resolusyon at ordinansang ipinapatupad dito.

 

     Ito ang buod na mensaheng ibinigay  ni Vice Mayor Marcaida III sa pagsisimula nang  22nd  Regular Session ng 14th Sangguniang Panlungsod noong lunes November 25, 2013, kasabay nito ang kanyang pansamantalang pagbaba sa  puwesto bilang Presiding Officer ng Sanggunian at ibinigay ito sa outgoing Sangguniang Kabataan, City Federation President  Konsehal Fernnie May C. Asuncion. Ang bagay na ito ay labis namang  ikinagulat ng naturang konsehala, dahil sa loob ng tatlong taon nitong panunungkulan bilang lider kabataan sa konseho ngayon lang umano siya nabigyan ng pagkakataon na humawak ng gavel at umupo pa man din bilang presiding officer.

 

     Sa naturang sesyon, magkaisa ring ipinagtibay ng kapulungan ang isang resolusyon ng pagkilala kay Konsehal Asuncion sa dedikasyon nito , leadership and splendid contributions sa Sangguniang Panlungsod bilang Ex-Officio Member nito mula pa  noong 2010-2013. Ang termino ni konsehal Asuncion ay magtatapos sa katapusan ng buwang kasalukuyan matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino ang isang batas na naglalayong ipagpaliban muna ang halalan sa Sangguniang Kabataan at ideklarang no holdover capacity ang lahat ng Kabataang naglilingkod sa konseho sa buong bansa.(e.rada)

 

Article Type: 
Categories: