CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa Oct.11 CIO - Nagsagawa ang Optical Media Board ng kampanyang kaalaman , pagpaparehistro at pagbibigay ng Lisensiya (Awareness Campaign, Registration and Licensing) sa mga may kinalaman sa Optical Media Businesses noong Oktubre 8, 2013 sa Skylight Hotel. Dumalo dito ang 45 katao na binubuo ng mga nagtitinda ng mga CD at VCD, may-ari ng mga internet shops, video rental shop operators at mga barangay kapitan.
Tinalakay ni Atty. Victor Luis Padilla, Office In-Charge ng OMB Legal Division ang sakop ng Optical Act Of 2003 na tinaguriang Batas Pambansa Bilang 9239 at ang mga regulasyon sa paglilimbag, pagtitinda at pagkokopya ng mga panoorin sa CD, VCD at iba pang paraan. Ipinaliwanag naman ni Bb. Esperanza Coronel, Head ng Licensing Unit ang mga kinakailangan sa pagpaparehistro , kung ano ang mga illegal, kinopya o piniratang mga materyales at ang paraan para malaman kung ito ay ilegal .
Inilahad ni Aileen Santiago OMB GAD Committee Member ang kampanya laban s “Child and Women Pornography”. Aniya , kadalasan ang mga kababaihan at ang mga kabataan ang biktima o ginagamit sa mga malalaswang palabas kaya dapat agapan ang pag-aabusong ito.
Pinuri ni Kgd. Eleutherius L. Edualino ang pagtungo ng OMB sa lungsod na napapanahon upang masawata ang mabilis na ang pagkalat ng mga piniratang mga CD at VCD sa lungsod pelikula. Pinaalala rin niya sa mga dumalo na respetuhin ang “intellectual rights” ng mga pinanggagalingan ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagkuha ng lisensiya mula dito.
Nagkaroon din ng pagkakataong magtanong ang mga partisipante hinggil sa mga mahahalagang bagay tungkol sa “Piracy” at kaliwanagan sa tunay na estado ng mga nagtitinda sa bangketa ng mga ilegal ng mga CD at VCD. Si Bb. Elizabeth Red, OMB Chief on Licensing & Registration Division ang nagpapaliwanag sa mga posibleng “violations” ng mga ito at ang karampatang pataw sa nga lumalabag. Binigyan diin din niya ang mga kinakailangang lisensiya ng nga Internet Café Operator hinggil sa batas na nagsasabi na dapat may lisensiya sila sa OS provider ng bawat computer na ginagamit nila.
Pinasalamatan ni City Administrator Rodrigo A. Saucelo ang mga kawani ng OMB . Isa diumano itong paraan na inilalapit sa mga tao ang pamahalaan at malaking tulong ito sa mga negosyante na nalilinya sa optical media dahil hindi na kailangang magtungo pa sa Kamaynilaan para magpalisensiya ng kanilang hanapbuhay. Dumalo rin sa talakayan si City Permits & License Officer Aurea Pallaya, mga kawani ng Barangay Affairs at City Information.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |