CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct.04 CIO - SA LAYUNING TUWIRANG MAI-PLANO AT MAPAG-ARALAN ANG MGA GAWAIN KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA NAGPATAWAG NG PAGPUPULONG SI MAYOR LUCILO R. BAYRON NOONG SETYEMBRE 27, 2013 SA OPLAN LINIS OFFICE SA CITY COLISEUM.
MAHALAGA ANG MEETING NG EXECUTIVE COMMITTEE NA PINAMUNUAN NI MS. JUDITH BAYRON -MANUEL, UPANG MAIPAMAHAGI ANG BAWAT ASSIGNMENT NG MGA OPISINANG MAY KINALAMAN SA SELEBRASYON NG PISTA SA SYUDAD SA DISYEMBRE 8, 2013.
ANG PAGDIRIWANG AY MAGSISIMULA SA DISYEMBRE A-UNO, 2013 SA PAMAMAGITAN NG LIGHT-A-TREE CEREMONY NG HIGANTENG CHRISTMAS TREE SA BAYWALK NG LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA.
LABINDALAWANG MGA CHOIR GROUPS SA SYUDAD MULA SA MGA PAARALAN, BARANGAY AT ORGANISASYON ANG NAKATAKDANG MAGPARINIG NG KANILANG MGA CHRISTMAS SONGS BAGO ANG PAGPAPA ILAW NG CHRISTMAS TREE.
MATAPOS ILAWAN ANG CHRISTMAS TREE MAKULAY NA MGA FIRECRACKERS ANG PAPAILANLANG SA HIMPAPAWID NG PUERTO PRINCESA.
MALIBAN SA CHRISTMAS TREE DAGDAG ATRAKSIYON DIN SA BAYWALK ANG BELEN NA NAGPAPA- ALALA SA ATIN SA PAGMAMAHAL NG ATING POONG MAYKAPAL. MAGKAKAROON NAMAN NG GABI-GABING PALABAS SA BAYWALK MULA DISYEMBRE 1, 2013.
INAASAHAN NG PAMUNUAN NI MAYOR LUCILO BAYRON ANG MAS MAKULAT AT MAS MASAYANG PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN SA PUERTO PRINCESA.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |