CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa. Oct. 4 CIO - Katulad ng pangako ni Mayor Lucilo Bayron bago ang eleksiyon na susuportahan ang elderly sa lungsod, nagbukas ng sariling opisina para sa senior citizen ang punong lungsod kamakailan. Partikular upang matutukan ang pangangailangan at programa para sa matatandang mamayan sa lungsod.
Unang programa ang pagbibigay ng buwanang allowance o Senior Citizens Assistance Program (ASCAP) para sa kwalipikadong senior citizens sa lungsod. Ang matatandang sakitin, may kapansanan, walang pinagkakakitaan, walang pension na tinatangap mula sa pamahalang nasyonal o ahensiyang nasyonal, nag-iisa sa buhay ay tatanggap ng buwan allowance na nagkakahalaga ng limang daang piso o 500.00.
Kinakailanagn lamang mag-sumite ng sumusunod na dokumento upang malaman kung kwalipikado sa SCAP tulad ng: SCAP form na makukuha sa scap office at sa OSCA, kopya ng OSCA id. Kopya ng Philhealth id ng elderly o un sa anak kapag di Philhealth member ang aplikante.
Ang pagbibigay ng buwang allowance sa SCAP ay sa enero 2014.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |