CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, September 23 CIO – Isang daaan at limampung(150) batang kulang sa timbang mula sa 20 barangay sa lungsod ang makatatanggap ng gatas sa loob ng 6 na buwan sa ilalim ng supplementary milk feeding program sa pagtutulungan ng City Health, National Dairy Authority(NDA) at APEC Partylist sa pamamagitan ni Cong. Ponciano Payuyo

 

Kaugnay nito pormal na inilunsad ang programa kamakailan sa Paleco covered gym hudyat ng  pagsisimula ng 6 na buwan milk feeding para sa mga barangay ng Concepcion, Sn. Rafael, Babuyan, Sta. Lourdes, Bacungan, Tagburos, San Pedro, San Miguel, Mandaragat, Pagkakaisa, Mabuhay, Liwanag, Bagong Silang, Bancao-bancao, Luzviminda, Mangingisda, Irawan, Sicsican, Milagrosa at Bagong Sikat. Lunes hanggang biyernes ay tatangap ng katumbas ng isang basong gatas mula NDA ang batang benepisyaryo ng programa. Naglaan naman ng 3 milyong piso ang APEC Partylist pantustos sa milk feeding program.

 

Samantala, nangako si City Councilor Roy Ventura, chairman ng committee on health na gagawan nito ng paraan na magkaroon ng karagdagang pondo ang programa upang mapahaba pa ang milk feeding ng masigurong makakabawi sa timbang ang mga batang malnourish.

Article Type: 
Categories: