CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Ang magagandang baybayin at mapuputing buhangin sa Sitio Nagtabon,
Talaudyong at Tagminatay sa Barangay Bacungan ang isang dahilan kung bakit
dinarayo ng ilang turista sa Lungsod , dangan nga lamang pagdating sa
komunikasyon partikular ang signal sa cellphone deadspot na ang naturang
lugar.
Ito ang nagbunsod kay Konsehal Eleutherius L. Edualino para magpasa ng
dalawang resolusyon sa kapulungan ng 14th Sangguniang Panlungsod kaugnay sa
paglalagay ng malawakang Cellular network . Ang resolution numbers 22-23
2013 na magkaisang ipinagtibay sa 7th Regular session kamakailan , na
humihiling sa Smart at Globe Telecommunication na ikonsidera ang sitio
Nagtabon sa paglalagay ng Cell site dito .
Ayon kay Konsehal Edualino, ang Barangay Bacungan ay mabilis na umuunlad
at nagsisilbing future tourist destination dahil na rin sa mga white beaches nito
sa Tagkawayan, Nagtabon , Talaudyong atbp . Malaking bagay ang pagkakaroon
ng agarang komunikasyon sa nasabing lugar lalo na sa panahon ng Emergency.(erada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |