CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, August 01 CIO - Limampu’t tatlong (53) mga ilaw sa City Coliseum Park ang isinaayos ng City Streetlights Division nitong ikatlong linggo ng Hulyo, 2013, kung saan pinalitan ang sira at pundidong mga bulbs. Ginagamit ngayon ang 85 CFL watts na mas matipid sa kuryente at inalis na ang lahat na 250 watts metal halide bulbs. Ang pagsasaayos ng nasabing parke ay bilang pagtalima sa layunin ni Mayor Lucilo R. Bayron na lagyan ng sapat na mga ilaw ang mga parke sa lungsod. Ayon sa punong lungsod malaki ang magagawa ng mga parke bilang pook pasyalan ng mga pamilya. Ligtas din umano ang mga parke kung ito ay may sapat na ilaw at maayos na kapaligiran. Kaugnay nito , tinaniman ng mga “carabao grass” ang ilang bahagi ng Coliseum Park . Nilinis din ang fountain , pipinturahan ang dome-shaped shed at pinutulan ang mga halamang madadawag upang magkaroon ng hugis at maging kaiga-igaya sa paningin.
Samantala , naisaayos na rin ang mga basag at sirang streetlights mula sa Cathedral hanggang Valencia St. Pinalitan na ang dating ilaw ng bilog at transparent na mga bulbs. Ganun din ang bahagi mula airport hanggang Kapitolyo , bagamat may mga ilang nasira kamakailan lamang ng Drainage Contractor ng DPWH.
Ayon kay Engr. Rolly So, Division Head ng nabanggit na tanggapan ,hindi na maiiwasan ang pagkasira ng mga ilaw sa daan dahil sa matagal na rin naman itong nagamit. Lumulutong at kumukupas na ang mga decorative cover nito dahil sa pagkakalantad sa ulan at init . Dahil dito, ipinograma na ang rehabilistasyon nito sa susunod na taon.
Umaabot na sa rin sa 40% ang pagsasaayos sa mga ilaw sa daan mula San Manuel hanggang sa bahagi ng Tagburos. Ito ang mga ilaw na ninakawan ng mga linya noong unang bahagi ng taon. Nakaprograma rin na paabutin hanggang Sta. Lourdes ang nasabing pailaw.
Mahigit naman sa isang kilometrong daan sa Bgy. Mangingisda ang napapailawan ngayon. Bagamat di pa lubos ang pagsasaayos sa mga linyang ninakaw din, nagkaron na rin ng mga ilaw ang mga poste bagamat salit-salitan lamang ngunit nagsisilbi namang tanglaw sa mga dumadaan kapag gabi na.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |