CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, March 21(CIO)-Iginawad sa Pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa and Pambansang Gawad Pamana ng Lahi Award kahapon, Marso 18, 2013 sa Landbank Plaza sa Malate, Manila. Ang nasabing award ay personal na tinangap ni Mayor Edward S. Hagedorn mula kay Secretary Mar Roxas ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang National Gawad Pamana ng Lahi Award ay iginagawad tuwing tatlong taon sa mga natatanging local government units na nagpakita ng kakaibang galing sa administrative, social, economic at environmental governance. Ito ay ibina-base sa online Local Governance Performance Management System (LGPMS), seal of good housekeeping, mga international at national recognitions at mga local inovations.
Ang Gawad Pamana ng Lahi ay may dalawang levels, ang regional at national. Para mapabilang sa regional award, ang LGU ay dapat na may kabuoang LGPMS Overall Performance Index (OPI) na 4.00 at dapat na nanalo na ng Silver Seal of Good Housekeeping. Para naman manalo sa national award, kailangang ang LGU ay regional GPL awardee, LGPMS OPI average na 4.31, tatlong silver awards at awardee rin ng national award on governance.(cio)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |