CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Feb. 21 (CIO) – Limang malalaking barko ng Royal Carribean Cruise ang inaasahang dadaong sa lungsod ng Puerto princesa mula buwan ng marso hanggang abril, ayon kay Rebecca Labit, City Tourism Officer.
Isang barko bawat linggo sa buwan ng marso ang darating sa lungsod at isa sa unang linggo ng abril na lahat ay may sakay na tigda-dalawang libong pasahero. Kasama ditto ang MS “Legend of the Seas” sa kauna-unahang paglalayag nito noong oktubre mula Manila at Boracay. Mauunang darating ang MV Columbus 2 sa march 1, MS Amsterdam – March 7, MS Legend of the Seas – March 19, MV Europa – March 23 at MV Amadea – April 6.
Siniguro ni CTO Labit ang kahandaan ng lungsod sa pagdating ng limang cruise ship. Natapos na ang pagsasa-ayos ng pier ng lungsod at kakayanin nito ang pagdaong ng malalaking barko, mas malapad na din ang pantalan sa isinasagawang expansion project ng PPA.
Samantala, patuloy na isinasaayos ng CTO ang magiging itinerary ng bawat grupo upang makita ang lahat ng atraksiyon sa lungsod maliban pa sa Underground River na limitado ang bilang ng makakapasok araw-araw. Ipapakita din ang lahat ng Community Based Sustainable Tourism (CBST) projects sa lungsod.
Patuloy naman hinihikayat ng local na pamahalaan ang lahat ng negosyante na paghandaan din ang pagdagsa ng mga turista, makakatulong ito upang patuloy na lumagao ang ekonomiya ng lungsod. Gayon din ang lahat ng residente na gamitin ang pagkakataon na ito upang makapagsimula ng maliit na negosyo may kaugnayan sa turismo bilang karagdagang kita.
Ang pagdating ng cruise ship ay simula pa lamang ng sunod-sunod na pagdating ng malawakang turismo dito. Sa buwan ng Oktubre ay inaasahan din gaganapin sa lungsod ang World Eco-Tourism Conference. (maya estiandan)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |