CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng pamahalaang lungsod para sa ika- 19 taong pagsasagawa ng Pista ‘y ang Kageban.Kung saan muling gaganapin ito sa watershed area ng barangay irawan sa 27 ng hunyo. Tinatayang aabot sa mahigit limampung libong katao ang makiki-isa sa malawakang pagtatanim na ito.
Mahigit sa isang daang libong fast growing at fruit bearing trees ang inihanda ng City ENRO para itanim sa 15 ektaryang planting site ngayong taon.
Tulad ng makasanayan na, alas singko ng umaga ay may mga sasakyan ng maghahatid sa irawan para sa maagang magsisipagtanim. Magtungo lamang sa City Coliseum para makasakay ng libre.
Upang mas maging masaya ang okasyon, darating sina wency cornejo, cookie chua, noel cabangon, gary granada at bandang the jerks para sa isang rock sa gubat concert. Sa gabi ng 26 ay may gaganapin ding concert ang grupo sa city coliseum kung saan ay magbabalik tanaw sa panahon ng pagsisimula ni Mayor Hagedorn sa pamumuno sa lungsod sa pamamagitan ng mga awitin.
Samantala, batay sa talaan ng City ENRO umaabot na sa 1.97 milyon ang punong naitanim mula ng sinimulan ang Pista ‘y ang Kageban sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Edward Hagedorn at inaasahang ngayon taon ay aabot na ito sa kabuoang 2 milyong puno.
Ang pista‘y ang kageban ay taunang ginaganap sa lungsod tulad ng isang tradisyon sa layuning patuloy na pagyamanin ang mga kabundukan bahagi ng kampanya ng pamahalaang sa pangangalaga sa kabundukan para susunod na salin lahi.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |