CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Nagsasagawa sa kasalukuyan ng deworming at vitamins injection sa mga baka at kalabaw ang mga kawani ng City Veterinarian Office sa mga barangay sa lungsod. Ito ay sinimulan ngayong buwan ng Hulyo at magtatagal hanggang buwan ng Disyembre o hanggang malibot ang lahat ng rural barangays sa lungsod.
Ayon kay Gng. Naida P. Hubo, Livestock Inspector II ng City Veterinarian’s Office, natapos na nilang puntahan ang mga barangay ng Sicsican at Irawan. Nakatakda naman silang mag deworming at magbigay ng bitamina para sa baka at kalabaw simula Hulyo 29-31 taong kasalukuyan sa Barangay Tagburos.
Layon ng nasabing gawain na mapanatiling malusog ang mga alagang hayop ng residente ng Puerto Princesa upang higit itong mapakinabangan. Samantala, nauuna na ritong isinagawa ng mga kawani ng City Veterinarian ang pagbabakuna sa mga nasabing hayop. Hinihikayat rin ng kanilang pamunuan na samantalahin ang kanilang pagpunta sa mga barangay.
Ang pagsasagawa ng deworming at pagbibigay ng bitamina ay ilan lamang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng City Veterinarian’s Office sa mamamayan ng Puerto Princesa.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |