CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Darating sa Lunes, ika 24 ng Agosto taong kasalukuyan sa lungsod si US Ambassador Kristie A. Kenney para bisitahinn ang iba’t ibang US funded na mga proyekto dito. Isa na rito ang Philippine National Police (PNP) Maritime Special Boat Unit (SBU) Headquarters sa Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes na papasinayaan rin sa araw na nasabi.
Ang PNP Maritime Special Boat Unit Headquarters ay tatlong palapag na gusali na nakatayo sa 2,000 sq. meter na lupa na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod. Ang nasabing gusali ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P20 M na donasyon mula sa US Government. Maliban dito, magkakaloob rin rin ang US Government ng apat na Rigid Bouyant Boats (RBB) para magamit ng ahensya.
Ayon kay Col. Ronald Magno D. Barbosa, SBU Chief, malaking bagay ang pagkakaroon ng SBU Headquarters para higit na mapaigting ang kampanya laban sa mga iligal na gawain sa karagatan at patuloy na mapangalagaan ang likas yaman ng lungsod, lalawigan at karatig na lugar.
Samantala, makikipagtalakayan rin si Ambassador Kenney patungkol sa Live Fish Trade. Ito ay may kaugnayan sa Coral Triangle Support Partnership ng USAID. Dadaluhan ito ni Mayor Edward S. Hagedorn at ang mga kinatawan mula sa World Wildlife Fund-Philippines.

Article Type: 
Categories: