CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Upang gisingin ang kamalayan ng mga kabataan partikular ng mga out-of-school-youth, inilunsad ng Alay-Lakad Foundation, Inc-Puerto Princesa Chapter sa pamumuno ni Rev. Nida Macasaet ang Jingle Writing Contest para magkaroon ng opisyal na jingle ang Alay Lakad na maaaring magamit sa taunang gawain nito.

Ang naturang patimpalak ay bukas sa mga kabataan partikular sa mga out-of-school-youth na mayroong talento sa paglikha ng awit. Ito ay pagbibigay daan din upang mahasa ang mga kabataan at maipakita ng mga ito ang kanilang angking talento.

Nakapaloob sa mga alituntunin sa paglikha ng awit ang mga sumusunod: orihinal na komposisyon, ang melodiya ay malikhain at naaayon sa tema: “Lakad Kabataan: Ituloy ang Kuanlaran”, ang awit ay dapat may “easy recall”, madaling matutunan at matandaan, dapat isang orihinal na komposisyon at hindi pa nalimbag, naire-record, nagamit sa ibang okasyon o pagdiriwang o naisali o nanalo na sa ibang paligsahan. Kinakailangan ang jingle ay may tagal na isa hanggang isa’t kalahating minuto.

Ang lahat na mananalong entry ay awtomatikong magiging pag-mamay-ari ng ALFI Jingle Writing Contest 2009. Ang huling araw ng pagsusumite ay sa ika-28 ng Agosto ganap na ikalima ng hapon sa Tanggapan ng Impormasyon (City Information Department), Gusaling Panlungsod. Ang entry ay kailangang nakalagay sa short brown envelope at may lakip na lyrics sa isang malinis na bond paper kasama ang Audio CD kung saan nakalagay ang record ng jingle at Entry Form na may kalakip na 2x2 ID picture ng lyricist at composer.

Sa mga interesado, ang Entry Form ay makukuha sa City Information Department sa City Hall. Sa iba pang detalye magtungo lamang sa naturang tanggapan o tumawag sa telepono bilang 433-2594/434-3765.

 

Article Type: 
Categories: