CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Maayos na naisagawa ang outreach at medical/dental mission ng City Nutrition Council at City Health Office, ika-labing siyam ng agosto sa bgy.lucbuan. 30 pamilyang may anak na malnourish ang naging benepisyaryo dito.
Nagsagawa ng feeding para sa mga batang kulang sa timbang, lecture para sa mga nanay sa tamang paghahanda ng masustansiyang pagkain para sa patuloy na pagpapataas ng timbang ng mga bata at namigay din ng food pack na magagamit ng pamilya.
Taon-taon ay isinasagawa ng City Nutrition Council ang outreach upang mas lalong mailapit ang mga programang pang-nutrisyon sa barangay lalo na sa mga pamilyang may malnourish na anak. Isang paraan din ito upang mamonitor ng council ang implementasyon ng barangay sa kanilang programa sa pangangalaga sa kalusugan ng mga residente dito. Matatandaang inaatasan ng DILG na ang mga barangay ay na magkaroon ng sariling barangay nutrition committee (bnc) at magpatupad ng sariling programa sa nutrisyon.
Kabilang sa mga CNC members na naki-isa sa outreach ang City DILG, City Agriculture, DSWD, City Information Department, WESCOM, City Planning at NFA.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |