CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

INIUMANG na ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga taga-siyudad, kaakibat ang mga bagong halal na opisyal sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edward S. Hagedorn, Vice Mayor Lucilo R. Bayron at mga konsehal, at mga department heads.

Bagama’t wala pang isang buwan na nakapanunumpa ang mga newly elected officials, buong puwersa ang Sangguniang Panlungsod na dumalo sa city-sponsored hands-on refresher course and utilization conference na ginanap nitong linggo para sa department heads and NEOs. Ito’y upang mapaigting ang kampanya para sa pagpapalaganap ng serbisyong makararating sa taga-lungsod.

Tiniyak naman ni City DILG head Halid Dawili ang kooperasyon ng mga opisyal ng lungsod dahil mismong ang mga kabesa ang mamumuno sa itatatag na mga plano at pamamaraan para sa pagpapalaganap ng mahusay at angkop na serbisyo para sa taga-Puerto Princesa.

Bukod dito, puspusan din ang isinagawang ‘next-step formulation’ at commitment para sa ikatatagumpay ng nasabing mga plano.

By: City Information Office / C. Catimpo

 

Article Type: 
Categories: