CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Hinihiling ang puspusang pagpapatupad ng RA No. 9442- Magna Carta for Disabled Person sa lungsod upang lubusang mapakinabangan ng mga may kapansanan. Napapanahong isulong ang implementasyon kasabay sa selebrasyon ng 32nd National Disability Prevention and Rehabilitation mula Hulyo 17 hanggang 23.
Dalawampung porsiyentong diskwento ang dapat na mapakinabangan ng bawat may kapansanan sa pamasahe sa eroplano, barko, tricycle, jeep at bus, serbisyong medikal at dental sa lahat ng pribadong ospital, bayad sa pribadong doktor, laboratory fee, x-ray, blood test at maging sa pagbili ng mga gamot sa lahat ng drugstore. Kasama din sa diskwento ang pagtira sa hotel, panonood ng sine, konsiyerto, at pagkain sa restaurant.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang City Social Welfare and Development at samahan ng may kapansanan sa lungsod sa City Health Office at Department of Trade and Industry upang hikayatin ang lahat ng botika, ospital, restaurant, tindahan at pampublikong sasakyan na kilalanin ang magna carta upang mapakinabangan na ito ng mga may kapansanan.
By; City Information Office / Maya Estiandan
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |