CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, December 12, 2012 (CIO) - Inaprobahan na sa ika- 127 regular na sessyon ng 13th Sangguniang Panlungsod nitong Disyembre 10, 2012 ang kabuuang halaga P1,778,024,782.27 pondo para sa 2013. Mas mataas ito ng P91M kumpara sa pondo ng 2012 na P1.6B.
Sa mensahe ni Mayor Edward S. Hagedorn layunin ng kanyang pamunuan na ilaan ang nasabing pondo sa pagsisilbi sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at para maseguro ang paglago ng panlipunang ekonomiyang bawat barangay, sa pamamagitan ng mga pangunahing proyekto at programa na nakapaloob sa Annual Investment Plan at City Development Plan. Ilan sa mga ito ay ang programang Anti Red Tape Act of 2007, Environmental and Quality Management System, Electronic Budget at Electronic New Government Accounting System (E-NGAS) at Enhanced Tax Revenue Assessment and Collection System(ETRACS). Pag-uukulan din ng pansin ang mga pagtataas ng mga ani sa agrikultura at pangisdaan sa mga kanayunan, pagpapaganda ng mga imprastrakturang pangturismo, pagbibigay puhunan upang maiaangat ang kabuhayan at ang tuloy-tuloy na pagpapagawa ng mga daanan, paaralan at iba pang pangunahing pasilidad.
Hindi rin isinatabi ang pagbibigay ng kalidad na pangkalusugang serbisyo tulad ng pagbahagi ng pondo na itutustossa programa laban sa malnutrisyon, mangangalaga sa mga buntis at bagong silang na mga sanggol, paglaban sa malarya, dengue, tuberkulosis at HIV-AIDS.
Siniseguro rin ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan kaya naglaan din nga kabahaging pondo para sa protecksyon at rehabilitasyon ng mga kagubatan, bakawan at karagatan.
At upang maisakatuparan ang 3k (Kalinisan, Kaunlaran at Katahimikan) na pamunuan-gabay ni Mayor Hagedornpinag-ukulan din ng panustos para sa mga gastusin ng mga kapulisan, bombero , hihway patrol groups, barangay tanods at ilan pang mga tanggapan na may kinalaman para mapanatili ang maayos na pamumuhay sa lungsod.( Amie H. Bonales)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |