CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, December 18, 2012 (CIO) - Inilunsad na ang proyektong “Simplification in Business Registration” ng Puerto Princesa noong Disyembre 14, 2012. Dinaluhan ito nina Mayor Edward S. Hagedorn, International Finance Corporation Senior Operations Officer Mr. Hans Shrader, DILG Assistant Regional Director James Fadrilan , Simplification Project Team, Business Sector Group, iba pang IFC officials at mga kinatawan ng mga tanggapang nasyonal at lokal .
Sa talumpati ni Mayor Hagedorn, kanyang pinasalamatan ang lahat na nagtutulong-tulong upang maisakatuparan ang proyekto. Nagbalik tanaw siya sa mga pagsisikap ng grupo mula nang simulan ito noong Setyembre. Aniya“ ginawa ninyo ang pagnenegosyo sa lungsod na mas mabilis”. Pinuri rin ni Mr. Hans Shrader ang tiyaga at kagalingan ng “Simplification Project Team na pinamumunuan ni Mr. Rolando Bustamante. Hanga siya sa paghanap nila ng mga solusyon at paghahain ng rekomendasyon upang mabago ang mga dating paraan. Binigyang pansin naman ni DILG Asst. Director Fadrillan ang pagiging una na naman ng LGU sa pagkakaroon ng ganitong proyekto.
 
Dati labingsiyam (19) na hakbangin ang dapat pagdaanan ng aplikasyon bago makakakuha ng permit o lisensya. Sa “simplification project”, limang (5) tanggapan nalamang ang pagdadaanan may business permit na. Tiyakin lamang na kompleto ang lahat na kailangang papeles bago magsimulang maghain ng aplikasyon para tuloy-tuloy ang takbo ng nito na tinatayang 15 minuto lamang ang itatagal ng proseso.
 
Ang bagong paraan ay gagamitin nang lungsod sa taong 2013.
 
Amie H. Bonales

Article Type: