CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Pinatunayan na naman ng pamunuan ni Mayor Edward S. Hagedorn na ang pangangalaga sa kalikasan ang sentro  ng kanyang pamamahalaan, matapos igawad ang ISO 9001-2008 at ISO 14001-2004 certification noong Pebrero 5, 2013  sa Asturias Hotel. Malugod na tinanggap ang plake ng katibayan  nina City Administrator  Atty. Agustin M. Rocamora at Unang Ginang Ellen M. Hagedorn na sinaksihan naman ng mga puno ng tanggapan at mga kawani.  Iniabot ito ni G. Arwen Tristan Loveres, Chief Operating Officer  ng certifying body na TUV Rhienland Philippines , kasama sina Gng. Melody Mokamad Certification Manager at Bb. Pinky Z. Villacruzis , Marketing & Sales Manager

“Our city is now world class” ito ang nasabi ng administrador sa kanyang mensahe kasunod ang hamon na panatilihin ang pagbibigay ng magandang serbisyo  sa mga mamamayan na may kaakibat ng pangangalaga sa kalikasan dahil napapabilang na sa International Organization of Standards ang Puerto Princesa.  Hinikayat niya na ipagpatuloy ang gawaing may kalidad dahil isa itong paraan upang maki kilala ang lungsod hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang pang panig ng mundo.

Binati naman ni G. Loveres ang lahat dahil ang lungsod ang unang local government unit sa bansa  na nakatanggap ng ISO 1400-2004 o Environment  Quality Management Standard, bukod pa sa muli nitong pagkakaroon  ng ISO 9001-2008 o Quality Management Standard .

Unang nagkaroon ng ISO 9001-2000 certification ang Puerto Princesa noong  2006 mula sa Certech certifying body.  Dito nagkaroon ng pag-aayos ng mga sistema at proseso ang bawat tanggapan na malaki ang naitulong sa pagpapatupad ng Anti-Red Tape Law ng pamahalaan.

 

Amie H. Bonales
ISO Certification/PR File