CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

“Dapat na magkaroon ng reliable, sufficient at affordable na supply ng kuryente ang lungsod ng Puerto Princesa”. Ito ang madiing tinuran ni Konsehal Gregorio Austria, sa isinagawang 105th regular session ng 13th Sangguniang Panlungsod sa question hour ng isinalang ang pamunuan ng Paleco sa pangunguna ni Paleco Gen. Manager Rohima R. Sarra at ng Board of Directors nito. Ayon kay Kon. Austria, nararapat lamang na bigyan ng pahalaga at magandang serbisyo ng daloy ng kuryente ang mamamayan ng lungsod, dahil sa ang existence ng Paleco ay base sa pangangailangan ng pangkalahatang kunsumidores . Pinuna naman ni konsehal Modesto Rodriguez, Chairman ng Committee on Energy ang magulong transaksiyon na pinasok ng Paleco noon sa isang energy provider tulad ng Palawan Power Generator Inc. o PPGI na umano nagsagawa ng back to back lease agreement. Ayon kay Kon. Rodriguez, ang lumang makina ng Napocor noon na model 1974 ay nai-lease ng Paleco mula sa Napocor, at pina-lease naman ng Paleco sa PPGI, at sa ngaun ang PPGI naman ang nagbebenta ng power sa Paleco. Bakit kinuha pa umano ng PPGI ang supply gayung pwede namang idirekta ng Paleco ang serbisyo, gamit ang makina ng Napocor. Hiningi naman ni konsehal Mark David Hagedorn ang masusing pagbabantay, at magkaroon ng mahigpit na pamantayan para sa susunod na gagawing bidding ng Paleco sa anim na power provider, para sa karagdagang 25 Megawatts na kinakailangan sa ngayon ng supply ng kuryente dito sa lungsod para maibsan ang kakulangan ng enerhiya. Halos magkakaisa naman ang lahat ng miyembro ng konseho sa paulit-ulit na pagbibigay ng paalala sa Paleco na ang lungsod ng Puerto Princesa ay nasa situwasyon na kung saan unti-unti ng nakikilala sa buong mundo ng turismo dahil na rin sa pagkakabilang ng Underground River bilang isa sa New 7 Wonders of Nature.

Samantala, para naman sa katugunan ni Paleco Manager Rohima Sarra, kanyang sinabi na ginagawa ng kanyang pamunuan ang lahat ng bagay para mabigyan ng solusyon ang lahat ng karaingan at problema ng mamamayan pagdating sa supply ng enerhiya sa lungsod . Kanyang tinuran na open bidding ang gagawin para sa lahat na nais sumaksi sa susunud na linggo, anim na power provider ang nagsumite ng bidding form para sa karagdagang 25 megawatts. Tiniyak ni Sarra na mahigpit at istriktong terms of requirement ang kanilang ipapatupad. Isa na rito na dapat ang lalahok na bidder ay may 51 percent share sa kumpanya nito at maintain sa loob ng limang taon . Dapat ding pawang mga bago ang makinang gagamitin at laging may back up generator set. Hinggil naman sa usapin ng PPGI, bagamat di nangyari sa panahon ng kanyang panunungkulan ang kontrata nito sa paleco. Muli nilang rerebisahin kasama ang kasalukuyang board of directors ang nakapaloob sa kontrata nito at isusumite sa susunud na sesyon ang ilang dokumento na naunang hiniling ni konsehal Austria.(Edwin Rada)

 

Article Type: 
Categories: