CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, July 20, 2012(CIO) - Nagpulong ang Committee on Ordinances and Legal Matters, kaugnay sa kahilingan ng Barangay Simpocan na mapalitan ang kanilang pangalan bilang "SIMPOKAN" Ayon kay Konsehal Luis M. Marcaida III, Chairman ng naturang komite masusing pag aaralan ng konseho ang proposal na isinumite ng Bgy. SImpocan sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay Manuel B. Macasaet. Batay sa liham na pinadala ni brgy. Secretary Jose Mendoza, sa tanggapan ni City Secretary Sammy Negosa, Ang Bgy. Resolution no. 14 ay humihiling sa Sangguniang Panlungsod na ibalik sa dating orihinal na pangalan ang SIMPOCAN at ito ay gawing SIMPOKAN , base na rin sa Provincial Board Resolution no.218 at Municipal Council Resolution no.231 noon ng Puerto Princesa City. Samantala, idinagdag pa ni Bgy. Chairman Macasaet, ang salitang Simpokan ay hango sa pangalan ng mag asawang katutubo na naunang nanirahan doon at ito ay sina Sim at Pokan. Maging noong 1964 sa creation ng lungsod at sa charter nito, makikita ang katagang Bgy. SIMPOKAN. Nagpahiwatig naman ng pagkabahala si Assistant City Assessor Engr. Joven Baluyot na ang lahat ng titled property at maging sa tax declaration nito ay papalitan ang ispeling nito ng K sa halip na C, kung matutuloy ang naturang proposal. Mahabang proseso naman ang kakaharapin nito umano para maitama ang ganitong pagkakamali ng pangalan ng Barangay ayon naman sa local na DILG. Itinakda naman ni Kon. Marcaida ang unang Public Hearing na gagawin mismo sa Gym ng nasabing barangay sa darating na ika 24 ng buwang kasalukuyan ganap na alas nuwebe ng umaga (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: