CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa City, July 20, 2012 (CIO) - Ipinagdiriwang ngayong July 17-23, taong kasalukuyan ang 34th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang," Mainstreaming Persons with Disabilities in Economic Development " Ayon kay Lolita C. Yulo City Social Welfare Officer, dapat lamang na mabigyan ng pansin at halaga ang mga taong may kapansanan na maging bahagi sa pag unlad sa ekonomiya ng lungsod. Samantala, hiniling din ni Yulo sa Sangguniang Panlungsod, ang pagkakaroon ng (PDAO) Person's with Disability Affairs Office. Nauna rito, inirekomenda naman ng Sangguniang Panlungsod kay Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn ang tatlong nominado para humawak at maging pinuno ng tanggapan ng taong may kapansanan. Batay sa Republic Act No. 7727 kilala rin bilang Magna Carta for disabled persons, dapat lamang na magkaroon ng PDAO sa bawat Lungsod, Bayan at Lalawigan. Ang ilan sa nominado ay kinabibilangan nina Hayden Plizardo, kasalukuyang pangulo ng PWD organization at si Boy Cayanan. (Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |