CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princeesa City, Aug. 22, 2012 (CIO) - Isinumite ng Sangguniang Panlungsod sa Committee on Appropriation ang kahilingan ni Police Superintendent Abad Hesido Osit, Acting City Director kaugnay sa pagbibigay ng insentibo sa mga retiradong pulis na naglingkod ng dalawampung taon na walang patid na serbisyo sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa isinagawang 110th regular session ng 13th Sangguniang Panlungsod, ipinarating sa kapulungan ang isang liham mula kay Direktor Hesido Osit na naglalayon na mabigyan ng Loyalty Medal ang mga retiring police personnel na nagsilbi sa lungsod ng dalawampung taon na walang bahid na anumalya sa panahon ng kanilang panunungkulan at tuluy-tuloy na serbisyo. Hiniling din na mabigyan sila ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng Isang daang Libong Piso .
Kinilala naman ng Konseho ang pagsisikap ng mga tauhan ng City PNP na Mapaganda ang serbisyo nito at mapangalagaan ang kaayusan at seguridad ng bawat mamamayan dito sa Lungsod. Agad nilang iminungkahi sa Komite ng Aproprasyon, na masusing pag aralan ang posibilidad na pagbibigay ng insentibo sa bawat retiradong pulis na naglingkod ng mahabang panahon sa lungsod ng Puerto Princesa.(Edwin Rada)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |