CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 24, 2012 (CIO) - Kinilala ng Sangguniang Panlungsod ang pagpupunyagi ni Senador Ferdinand R. Marcos Jr. upang maisabatas ang pagkakahati sa tatlong distrito ng Lalawigan ng Palawan na nagbunga ng pagkakaroon ng sariling representasyon ng lungsod kasama ang Bayan ng Aborlan sa Mababang Kapulungan ng kongreso. Ito ang nilalaman ng Resolution No. 585-2012 mula sa Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Ang House Bill No. 5608 na iniakda ni Senador Marcos ay inaprubahan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino nuong Hulyo 19, 2012, at naging Republic Act No.10171 (An act reapportioning the Province of Palawan into three legislative districts), ay nagtatag ng karagdagang distrito sa Palawan na kinapalooban ng lungsod ng Puerto Princesa at Munisipyo ng Aborlan na tatawaging Third Congressional District.

Ang nasabing Congressional District ay inaasahang mas magpapabilis sa progreso ng lungsod at bayan ng aborlan, sapagkat sa halip na makikihati ang dalawang LGU sa dati nitong kinabibilangang 2nd congressional District na may dating kabuoang siyam na LGU ay dalawa na lang silang makikinabang sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng bagong tatag na 3rd Congressional District. (Edwin Rada)

Article Type: 
Categories: