CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 25, 2012 - Hindi na sisingilin simula sa buwan ng Agosto ang aprobadong 4th to 6th Generation Rate Adjusment Mechanism (GRAM) at 4th to 6th Incremental Costs of Foreign Exchange Rate (ICERA) na nagkakahalaga ng P1.4282/Kwh sa mga kasapi ng kooperatiba.

Ito ay ayon sa ipinalabas ng kautusan ng energy Regulatory Commission noong ika-30 ng Hulyo na nakasaad na permanente nang ihinto and paniningil ng nasabing halaga sa buwanang bayarin. Sa halip ay inatasan neto ang NPC-SPUG na ipataw lang ang balance ng kanilang aprobadong dagdag singilin sa Universal Charge Missionary Electrification (UCME) mula sa bill na Agosto 2012.

Ito ay nangangahulugan na P0.1163/Kwh na universal Charge na sinisingil mula noong Agosto 2011 ay patuloy na sisingilin sa mga konsumidores hanggang sa mabayaran ang lahat ng kalugihan sa loob ng 17 buwan mula Agosto 2012.

Nitong buwan ng Pebrero bigla ang naging pagtaas ng bayarin sa kuryente o Subsidized Generation Rate (SAGR) dahil sa kinatigan ng ERC ang aplikasyon ng NPC-SPUG na maningil ng GRAm/ICERa na umabot sa halagang P8.0178/Kwh na dating P6.5896/Kwh. Gayundin pinahintulutan nito na maningil na kahalintulad na bayarin ang mga Independent Power Producers (IPPs) tulad ng PPGI at Delta P.

Dahil sa napipintong lalong pagtaas ng singilin sa kuryente ay umapela ang Paleco gayundin ang ilan sa mga apektadong kooperatiba na ipagpaliban ang paniningil ng GRAM at ICERA hanggang dinidinig pa ng ERC ang kanilang petisyon.

Nagpasa rin ng resolusyon ng pagsuporta ang Sangguniang Panlungsod at Panlalawigan sa kahilingan ng Paleco na kung saan ay binigyan ng isang buwang suspensyon ang pangongolekta nito simula Henyo 14 hanggang Hulyo, taong kasalukuyan. Nasundan pa rin ito ng isa pang resolusyon na humihiling ng karagdagang ekstensyon sa kahalintulad na pribelihiyo.

Ayon kay Konsehal Modesto V. Rodriguez II may hawak ng committee on Energy and Public Utilities ng Sangguniang Panlungsod, makakagaan sa buwanang bayarin ang kapasyahang ginawa ng ERC.

Inamin nito na ang biglaang pagtaas ng buwanang bayarin ay naging mabigat dahil nakasira ito sa budget ng bawat pamilya. Hindi rin nagkaroon ng public hearing o konsultasyon hinggil dito kung kaya hindi napaghandaan.

Malaking bagay ang naging desisyon ng ERC dahil last few months nasira ang budget ng bawat isa kaya natutuwa tay odahil maibabalik sa dati ang singilin ,” ayon dito.

Itinuturing din ng pamunuan ng Paleco na isang malaking tagumpay sa lahat ng mga gumagamit ng elektrisidad dahil malaking kabawasan ito sa bayarin. Pinasalamatan din nito ang iba pang kooperatiba na nagtulong-tulong para pigilan gayundin ang naging kontribusyon ni Congressman Ponciano Payuyo na kinatawan na APEC-party list. (Cheryl A. Galili – The Palawan Times)

Article Type: